PLDT

ABS-CBN, PLDT nagkasundong hindi na ituloy ang bentahan ng Sky Cable

Eugene Asis Feb 22, 2024
70 Views

HINDI na matutuloy ang bentahan ng Sky Cable sa Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

Nagkasundo ang ABS-CBN Corporation at PLDT na huwag nang ituloy ang bentahan sa ilalim ng Sale and Purchase Agreement na pinirmahan ng dalawang partido noong March 2023.

Dahil sa pangyayaring ito, inanunsiyo ng Sky Cable na ang cable TV service nito ay magpapatuloy, at siniguro sa mga subscriber na maayos pa rin ang kanilang subscripitions. Samantala, ang internet broadband service ng Sky, ang SKYFiber ay hindi naman naapektuhan.

Sa isang statement, nagpasalamat ang ABS-CBN sa patuloy na pagtangkilik at suporta ng mga subscriber.