Maynila

Abuloy ng Maynila program isang taon na

Edd Reyes Dec 23, 2024
11 Views

ISANG taon nang ipinatutupad ng Manila City Hall ang “Unang Abuloy ng Maynila” project na sinimulan noong Enero 2024.

“Ang Unang Abuloy po ang ambag ng pakikiramay ng Maynila para sa mga pamilya ng mga yumaong Manileño.

Si Konsehal Salvador Philip Lacuna po ang pangunahing may-akda ng Ordinance No. 9019 na siyang basehan ng programa,” pahayag ni Manila Public Information Office (MPIO) head Atty. Princess Abante.

Sa ilalim ng Ordinance No. 9019, pinahihintulutan ang pamahalaang lungsod na magbigay ng P3,000 cash assistance sa pamilya ng mga pumapanaw nilang mahal sa buhay.

“Unang Abuloy is meant to encourage others to pitch in so that the P3,000 grows to much more,” sabi ng konsehal.

Umaabot na sa 8,600 na pamilyang namatayan ang tumanggap na ng tulong pinansiyan mula Enero 2024 na katumbas ng mahigit P25.8 milyon na nailabas na pondo ng programa.

“Mayor Honey Lacuna has asked the city’s social welfare department to compile a guide on the services and programs the city and national agencies can provide to families whose loved ones have passed on,” sabi ni Atty. Abante.

Tanging mga residente lamang ng lungsod na nakarehistrong botante sa Maynila ang kuwalipikado sa programa habang sa pumanaw na menor-de-edad kinailangang residente at rehistradong botante rin ang kanilang magulang.