Calendar
Ang dental mission ng Rotary at Rotaract Club Chinatown na isinagawa sa Baseco, Port Area, Manila. JONJON C. REYES
Adhikain ng RC ng Chinatown Manila: Malinis na kamay, masayang ngiti



MALINIS na kamay, masayang ngiti: Hatid ng Project W.A.S.H. ang kalusugan at pag-asa sa komunidad ng Baseco.
Ito ang naging adhikain ng Rotary Club Chinatown Manila sa isinagawang dental mission para sa mga residente ng Baseco, Port Area, Manila, Linggo ng umaga.
Ang dental mission ay isinagawa ng Rotary Club of Chinatown-Manila sa pamumuno ng mag-asawang Henry Tan Pangulo ng ICP at kanyang maybahay na si Dra. Amy Tan sa ilalim ng Rotary International District 3810 katuwang ang Valenzuela Dental Chapter.
Ang Project W.A.S.H. (Water, Sanitation, and Hygiene) ay isinagawa sa Barangay 649, Baseco.
Ang proyekto ay sumusuporta sa United Nations Sustainable Development Goal (SDG) 6: Clean Water and Sanitation, na naglalayong tiyakin ang pagkakaroon at sustenableng pamamahala ng tubig at sanitasyon para sa lahat.
Kabilang sa mga serbisyong naihatid ng outreach program ay libreng pagsusuri at pagbunot ng ngipin, seminar sa kalusugan ng bibig at pangangalaga sa ngipin; seminar sa tamang paghuhugas ng kamay; demonstrasyon at workshop sa paghuhugas ng kamay at pamamahagi ng mga libreng hygiene kit at gamot para sa ngipin.
Ang proyekto ay ipinatupad sa pakikipagtulungan ng mga Rotaract Club ng Chinatown-Maynila,Chiang Kai Shek College, Manila Metro at Ortigas Center.
Nagbigay ng karagdagang suporta ang Bear Hugs Community Development Inc.
Mahigit sa 240 benepisyaryo ang nakinabang sa proyekto.
Isinagawa ng PDA-Valenzuela City Chapter dental oral hygiene education, toothbrushing drill, campaign on illegal practice of dentistry at First 1000 days ni baby at mommy.
Nagsagawa ng MOU sina Rotary ICP Henry Tan,IPP Atty. Edwin Carabbacan, IPP Nelson Chua,PDA-Valenzuela City Chapter Pres. Barbara Eugene-Padlan, Pres.Elect Dr.Charina Castro at Dr. Jennifer Casimiro-IPP.
Nakilahok sina Dr. Barbara Eugenio-Padlan,Dr. Amira Beatrix E. Padlan, Dr. Charina Castro, Dr. Carmela Lopez-Tan, Dr. Edelwina Alviz, Dr. Jennilyn D. Casimiro, Dr. Dionelle Jeanne D. Casimiro, Dr. Daisy G. Mendoza, Dr. Jeanne Fatima de Guzman, Dr. Lourdes Lacap, Dr. Eloisa R. Tiongson, Dr. Marjorie Rivera, Dr. Jennfer Aguilar, Dr. Joana Marie Pinpin at Dr. France Allen Dizon.

