Calendar
Babae inakusahan ng pagmomolestiya ng menor de edad
ARESTADO ang 19-anyos na bebot na inakusahan ng pagmomolestiya sa menor-de-edad na biktima Linggo ng hapon sa Las Piñas City.
Hindi nai-detalye sa ulat ng pulisya kung papaano ang ginawang pagmomolestiya sa biktima ni alyas “Princess”, na tumanggi ring magsalita nang madakip ng mga tauhan ni Southern Police Distrct (SPD) Director P/BGen Rodel Pastor sa Barangay Manuyo I dakong alas-5:30 ng hapon.
Isinilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na inilabas noong Setyembre 2, 2026 ng Las Piñas City Family Court Branch 2 sa bebot na akusado para sa kasong statutory rape na may inilaang piyansang P200,000 para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Nasa pangangalaga ng Las Piñas City Police Station ang akusado habang hinihintay pa ang commitment order ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Female Ward ng Las Piñas City Jail.
Tiniyak naman ni BGen. Pastor na magpapatuloy ang pagsisilbi nila ng legal na utos ng hukuman sa mga wanted na kriminal upang iharap sila sa hustisya at panagutan ang nagawang krimen.

