Calendar
Administrative restructuring ipinatupad sa OP
ISANG Executive Order (EO) ang inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa administrative restructuring ng Office of the President.
Ayon sa EO no. 11 na isinapubliko ng tanggapan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin magiging lima na ang pangunahing tanggapan sa ilalim ng OP. Ito ang Executive Office, Office of the Chief Presidential Legal Counsel (OCPLC), Private Office, Office of the Special Assistant to the President (OSAP), and the Presidential Communications Office (PCO).
Ang Executive Office ang mayroong direktang pangangasiwa sa Presidential Management Staff (PMS), na dating nasa ilalim ng OSAP.
Iniba rin ng EO No. 11 ang pangalan ng Office of the Press Secretary (OPS) at ginawang Presidential Communications Office (PCO).
Ang Private Office naman ang siya ng mangangasiwa sa Protocol Office at Social Secretary’s Office na siyang nangangasiwa sa mga pangangailangan ng Unang Pamilya.
Ang OSAP na ang mangangasiwa sa Presidential Assistants at Presidential Legislative Liaison Office (PLLO).