Nag-ahit, nakuryente, patay
Nov 24, 2024
3rd NLTEX ’24 ginanap sa La Union
Nov 24, 2024
Kabahayan sa Isla Puting Bato nasunog
Nov 24, 2024
Calendar
Ang biktima ng umano’y hazing na si John Matthew Salilig
Nation
ADU-PTA prexy Mer Layson: Hustisya para kay Salilig!
Peoples Taliba Editor
Mar 1, 2023
246
Views
“NASAAN ang brotherhood nilang sinasabi kung mismong lider at miyembro ng fraternity nila ang namalo, bumugbog at nanakit hanggang mawalang malay tao ang biktima habang sakay ng SUV matapos ang initition rites at hindi pa nila dinala sa hospital at ang masaklap ay ibinaon pa lupa.”
Ito ang pahayag ng pamunuan ng Adamson University Parents Teachers Association (ADU-PTA) matapos ang naganap na marahas na hazing na ikinasawi ng isang estudyante ng unibersidad.
Ayon kay Mer Layson, pangulo ng ADU-PTA, nakakapanlumo, nakakaiyak at nakakagalit ang ginawa ng grupo ng isang fraternity sa 3rd year engineering student na si John Matthew Salilig na napatay umano sa hazing sa Laguna at ang bangkay nito ay ibinaon sa isang subdibisyon sa Imus, Cavite. Sinabi ni Layson na nanlumo siya habang ang ibang opisyal ng ADU-PTA ay naiyak, makaraang makarating sa kanila ang impormasyon hinggil sa karumal-dumal na sinapit ni Salilig. Ani Layson, galit siya sa mga taong responsable sa insidente na itinuturing sanang kapatiran o brotherhood ng biktima. ani Layson. Si Layson at mga opisyal ng ADU-PTA ay sumisigaw ngayon at humihingi ng hustisya para kay Salilig. Inihayag pa ni Layson na ang lungkot at pighati na nadarama ngayon ng pamilya ni John Matthew ay ramdam din nila bilang bahagi ng Adamsonian family kaya kaisa nila ang pamilyang Salilig sa panawagan ng hustisya. Si John Matthew ay nagpaalam sa kanyang pamilya noong Pebrero 18 na dadalo sa isang welcoming rites activity ng Tau Gamma Phi Fraternity sa Laguna hanggang hindi na ito nakauwi pa at ang bangkay nito ay natagpuan kahapon na nakabaon sa bakanteng lote sa isang subdibisyon sa Imus, Cavite.
SP Chiz: Serbisyo agri ibalik sa gobyerno
Nov 24, 2024
Adiong: Banta ni Sara banta sa demokrasya
Nov 24, 2024
Rep. Bordado: Hinahon, VP Sara
Nov 24, 2024