Aiai

Ai-Ai, hangad ang agarang paggaling ni Kris

Vinia Vivar Mar 14, 2022
288 Views

KrisHindi man maganda ang kanilang relasyon ngayon, hangad pa rin ni Ai-Ai de las Alas ang agarang paggaling ni Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram account ay isang netizen ang nagtanong kay Ai-Ai kung ano ang masasabi niya sa pagkakasakit ng dati niyang kaibigan.

“Makikimaritess habang di busy, ano pong masasabi niyo Ms. Ai sa pagkakasakit ni Kris na dati mong friendship?” tanong ng netizen.

Positibong sagot ni Ai-Ai, ““I hope gumaling na siya… God bless her.”

Kung matatandaan ay dating best of friends sina AiAi at Kris.

Ito ‘yung panahong nasa ABS-CBN pa sila pareho.

Pero nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan noong 2014 dahil hindi nakadalo si Tetay sa burol ng ina ng Comedy Queen.

Nagkaayos naman sila sa wedding nina Dindong Dantes at Marian Rivera that same year pero hindi na rin naibalik ang dati nilang pagkakaibigan.

BENJ, DALAWANG ARAW ’DI KUMAIN PARA SA DRUG WITHDRAWAL SCENE

After Owe My Love last year na super light romantic-comedy series, this time ay sa heavy drama naman na Artikulo 247 mapapanood si Benjamin Alves.

Nagsimula na itong umere last March 7 sa GMA Afternoon Prime and this week ay lalabas na ang kanyang karakter na si Noah.

Aminado si Benj na talagang malayung-malayo sa mga dati niyang nagampanan na ang karakter niya sa Artikulo 247 at first time nga niyang mag-portray ng medyo gray o bad character.

First time rin niyang ginawa ang mga heavy scene na ginawa niya rito.

Ginagampanan ni Benj sa serye ang karakter ni Noah na isang drug and alcohol dependent.

Sa teaser pa lang ay makikita nang talagang ang bibigat ng mga eksena niya.

Ayon sa aktor, sa sobrang hirap ng mga scene, may isang pagkakataon na hindi siya talaga kumain for two days.

“Kasi nga, meron siyang (his character) alcohol dependency, nagwi-withdrawal siya, so, bilang preparation, dinaan ko na lang sa gutom kasi ‘di naman ako nagwi-withdraw sa drugs,” kwento ni Benj sa kanyang virtual mediacon the other day.

Bukod dito ay may playlist siya for Noah na pinakikinggan niya every morning, especially kung may heavy scene siyang gagawin bilang preparasyon.

Kauuwi lang ni Benjamin mula sa lock-in taping ng Artikulo 247 at pangalawang lock-in na niya ito since the pandemic.

Medyo nasasanay na raw siya sa new normal way of filming na talagang walang uwian for two months or more.

Pero siyempre, may mga advantage and disavantage rin ito.

“Economy-wise, mas makakaipon ka sa lock-in because you’re not going anywhere. You know, gas pa lang, especially now, ‘yung gas, napakataas. It’s easier that way. You get to focus on your job.

“But the fact that you’re away for – this time it was six weeks including the 10-day quarantine – parang ang tagal nu’n, eh. Parang the investment of time away from your loved ones is a lot,” aniya.

Kung sakaling babalik naman sa dating way ay okay din naman siya.

“I don’t know what’s going to happen in the second half of the year but if they did say na babalik tayo sa normal taping, parang I’m open to it. I really am. If I get to go home after a long day to Chelsea (his girlfriend), to Nala (their pet dog), then parang okay na ko ro’n,” dagdag ng aktor.

Samantala, sa Artikulo 247 ay kasama ni Benj sina Rhian Ramos (na first time niyang nakatrabaho), Kris Bernal, Mark Herras, Mike Tan at marami pang iba mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.