Maine

Maine at Arjo, magkasamang nagtampisaw sa dagat

Jun Nardo Mar 14, 2022
364 Views

SARAP ng buhay ang showbiz couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa recent photos nila sa Instagram.

“Dagat day,” caption ni Meng sa pictures nila ni Arjo at ilang kaibigang kasama.

Walang detalye kung saang dagat nagtampisaw sina Maine at Arjo at kung post-birthday celebration ito ng Phenomenal Star.

Siyempre pa, todo puso ang emojis ng followers ni Meng.

Kasama rin ni Meng ang co-stars niya sa Buko Channel series niyang Maine Goals na nasa bagong season na.

CONCERT/POLITICAL RALLY

KUMBINASYON ng concert at political rally ni VP Leni Robredo ang nangyari sa pagbisita nito sa Bacolod City.

Present ang ilang powerhouse performers na humarana at nagpasaya sa 70,000 supporters ni VP Robredo.

Bigatin ang line-up ng performers na pinangunahan ni Sharon Cuneta, RiverMaya, Kyla at Kuh Ledesma.

Present din ang Mayonnaise, Gracenote, Tippy de los Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, DJ Joey at Kay Leni Tayo singers na sina Jeli Mateo, Justine Pena at Nica del Rosario.

Umapir din ang mga actor na sina Edu Manzano, Joel Torre, Ronnie Lazaro, Nkki Valdez, showbiz personality na si Ogie Diaz.

Dumalaw rin si VP Leni sa San Carlos City, Kabankalan City, La Carlota City at iba pang lugar kung saan sinuportahan din siya ng libu-libong tao.

Nangyari ang malaking pagtitipon sa Bacolod matapos manguna ni Robredo sa Google Trends at Facebook Analytics.