Aiai

Ai Ai nag-iisip ng mga gimmick

Aster A Amoyo Jun 3, 2024
106 Views

PicPAUWI na ng Pilipinas mula sa US si Ai-Ai delas Alas para sa taping ng new season ng ‘The Clash.’

Dadalo rin ang Comedy Concert Queen sa graduation ng kanyang anak na si Andrei.

“Ga-graduate ‘yung anak kong bunso, si Andrei. And then after niyan pupunta ako sa Japan dahil may show po ako, June 15 and 16, and then sa August, because of The Clash.

“Ngayon pa lang nag-iisip na ako ng mga gimmick ko, at tsaka nag-iisip ako kung ano gagawin ko sa mga damit ko. Eto na. Game na ulit,” sabi ni Ai-Ai na makakasama ulit bilang hurado sa The Clash sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Habang nasa Pilipinas, gustong raw mag-guest ni Ai-Ai sa GMA Afternoon Prime teleserye na ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ na pinapanood niya sa Amerika. Gusto raw niyang makatrabaho si Jillian Ward.

Samantala, nag-celebrate sila ng mister na si Gerald Sibayan ng 10th wedding anniversary sa US.

Anne: Time management lang ‘yan

SUNUD-sunod ang projects ni Anne Curtis at ito na nga raw ang pinaka-busy niyang taon.

Handa na ang ‘It’s Showtime’ host na simulan ang series na ‘It’s Okay to Not Be Okay.’ Tapos ay isu-shoot na niya ang action movie with Direk Erik Matti at sunod ay ang Philippine adaptation ng isang hit K-drama.

“Kakayanin natin ‘yan. I love each show so much… so I’ll be making time for each and every one. Kaya ‘yan, time management lang ‘yan plus still not forgetting my family,” paniguro ni Anne.

Kamakailan ay nag-look test na raw sila with Direk Mae Cruz-Alviar.

“I did my look test last week, so talagang we’re in the stage of preparing. Direk Mae (Cruz-Alviar) and I are discussing ‘yung mga favorite scenes namin and magsa-start na rin ‘yung immersion namin,” sabi ni Anne na magiging co-stars sina Joshua Garcia and Carlo Aquino sa ‘It’s Okay to Not Be Okay.’

Kyline dadalo sa Korea Beauty Festival

KylineBALIK-Korea ang Shining Inheritance star at honorary ambassador ng Korea Tourism Organization (KTO) in the Philippines na si Kyline Alcantara para dumalo sa Korea Beauty Festival at iba pang events.

Ang Korea Beauty Festival ay isang month-long event kung saan pino-promote nila ang Korean beauty o K-beauty sa foreign nationals sa loob at labas ng bansa. Parte ito ng kanilang selebrasyon ng ikalawang Visit Korea 2023-2024 campaign.

Ang festival na ito ang isa pinakamalaking beauty and wellness festival sa Korea at bilang honorary ambassador ng KTO sa bansa, isa si Kyline sa mga VIP na dumalo sa opening ceremony noong June 1.

Bilang isa sa mga VIP, kasama ni Kyline ang isa sa mga miyembro ng National Assembly of Republic of Korea na si John A. Linton, acting president na si Young Chong Seo at KTO Executive Vice President Hakju Lee.

Nakasama rin ni Kyline si Ministry of Culture, Sports and Tourism Minister Yu In Chon.

Bilang honorary ambassador ng KTO, isa sa mga kailangan gawin ni ay i-promote ang Korea para sa turismo.

Hindi lang ni-represent ni ang KTO bilang Filipino ambaassador, siya rin ang nagsilbing foreign ambassador para sa foreign delegates na dumalo sa ceremony.

Meryll at Joem binalikan kung paano sila nagkabalikan

Pic1BINALIKAN nina Joem Bascon at Meryll Soriano kung paano sila nagkabalikan matapos tuldukan noon ang kanilang relasyon.

Si Joem, inayos muna ang sarili habang si Meryll naman, humingi ng tawad sa aktor.

Ikinuwento nina Meryll at Joem na nagkaroon na sila relasyon noon ngunit hindi natuloy dahil mga bata pa sila.

“Siyempre mga bata pa, may mga kaniya-kaniya pang gustong gawin sa buhay,” panimula ni Joem.

Ayon kay Joem, lumipad si Meryll sa London para mag-aral at nagdesisyong tumigil sa showbiz, habang siya naman ay kapapasok pa lamang noon sa showbiz industry.

“Nag-decide kami na hindi kami magtutuloy together. Iniwan niya ako bigla. Mabigat siya sa akin noong time na ‘yon kasi hindi ko maintindihan kung bakit maghihiwalay. Siyempre bata pa ako noon, gusto ko siyang makasama noong time na iyon,” “So when you are happy, that’s when you become beautiful,” sabi ni Joem.

Nakiusap pa si Joem kung maaari nilang ituloy ni Meryll ang kanilang relasyon, ngunit sa tingin niya ay hindi uubra sa kanila ang long-distance relationship.

“I really had to accept lang. The next day I just worked and worked and worked. Ang dami kong natutunan with myself, ang dami kong natutunan sa mundo, to be a better person kung sakali mang magkakabalikan kaming dalawa,” sabi ni Joem.

“Inayos ko muna rin talaga ang sarili ko. Pero it took me a very, very long time,” pag-amin pa ni Joem.

Dumating ang maraming panahon, hanggang sa muli silang magtagpo at magkasama sa isang proyekto.

“I think it’s the time na nagkaroon kami ng chance to talk. I was able to apologize. Nagkaroon kami finally ng closure after all those years, after a decade,” sabi ni Meryll.

“Nagkaroon lang ako ng feeling na mag-sorry ako, kailangan kong mag-sorry kasi alam ko kung gaano kahirap ‘yung nangyari, ‘yung recovery,” sabi pa ni Meryll.

“Siguro at that time it just felt so natural to say I need to say I’m sorry,” dagdag pa ng aktres.

Pareho namang tiniyak nina Meryll at Joem na single na sila noong panahon na iyon.

“I was single for five years. Noong nagkaroon ng closure, nagkaroon ng opening,” sabi ni Meryll.

“Lumabas na kami with friends. Kasi wala na, tapos na rin ‘yung work namin sa film,” pagsegundo naman ni Joem.

“Tapos we’re very careful sa sarili naming nararamdaman kasi baka mamaya, ano ba ito, nae-excite lang?” sabi ni Meryll.

Si Joem, maingat din lalo’t nanggaling siya sa isa pang relasyon.

“Tsaka ayoko kasing madaliin din, kasi coming from a relationship na nagkagulo and everything, gusto kong maging mas maayos, mas tahimik lang ‘yung buhay naming dalawa noong nag-usap kami during that time. Slowly, hindi namin minadali ang isa’t isa,” sey ni Joem.

Unang naghiwalay sina Joem at Meryll noong 2009. Nagkabalikan sila noong 2020.

Noong Enero 2020, inilahad ng ex ni Joem na si Crisha Uy na naghiwalay na sila matapos ang walong taong relasyon.

Inanunsyo naman ni Meryll na mayroon na siyang baby kay Joem noong 2021

Pilar sinalungat ang sinabi ni Gloria

PilarAYON kay Pilar Pilapil na hindi siya sang-ayon sa pananaw ni Gloria Diaz na, “99% of beauty is youth.”

“I don’t, I’m sorry. Beauty to me is something that needs to age like wine.

“I remember those pictures that I had when I was very young, and I didn’t look as… This is my opinion. I look better when I was already older. Not when I was very young, definitely,” pahayag ni Pilar.

Para kay Pilar, maraming dinadaanang pagsubok ang isang babae na humuhubog sa kaniyang kagandahan

“Because in the first place you go through many, many stages in your life as a young person. You go through, for instance, a heartbrokenness, you go through so many problems and struggles in life. It takes time to be happy. So when you are happy, that’s when you become beautiful.”

Nagwaging Binibining Pilipinas Universe 1967 si Pilar, habang si Gloria naman ang Miss Universe 1969.

Inalala rin ni Pilar nang tanungin siya ng American media personality na si Bob Barker na, “Are you really 18?” noong sumali siya sa Miss Universe sa edad 16 sa Miami, Florida.

“I remember that. I said, ‘What do you think?’ And he smiled and then I went.”

Sinabi pa ni Pilar na hindi niya hinahangad noon ang manalo.

“I wasn’t thinking of that. I was not really a full-grown woman. I was just a kid. I was a young girl.

“I was surrounded with beautiful women and some gentlemen that were eyeing us around. it was quite an experience but as a young girl, it was quite overwhelming,” pag-alala pa ni Pilar na mapapanood na sa Abot-Kamay Na Pangarap.