Calendar

Aksidente sa NAIA Terminal 1 dapat maimbestigahan -Magsino
HINIHILING ni OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa nito ng imbestigasyon kaugnay sa aksidenteng nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Bagama’t ilang araw na ang nakakalipas, nagpa-abot pa rin si Magsino ng pakikidalamhati at pakikiramay para sa mga naging biktima ng nasabing trahedya matapos bumangga ang isang sasakyan sa departure area ng NAIA Terminal 1 kung saan may mga nasugatan at nasawi sa pangyayari.
Iminumungmahi ng kongresista na marahil ay dapat magkaroon ng imbestigasyon ang DOTr hinggil sa aksidente upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayari sa darating na hinaharap.
Paliwanag ni Magsino na ang nasabing trahedya ay posibleng magdulot ng negatibong implikasyon sa gitna ng ang mga international airport sa Pilipinas ang nagsisilbing “gateway” para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at turismo.
“We also urged all relevant agencies to ensure that the victims received sufficient medical assistance and support,” ayon kay Magsino.