Dy

Alagang Kongreso health package inilunsad ni Speaker Bojie Dy

Mar Rodriguez Mar 18, 2026
132 Views

SandroINILUNSAD ng Kamara de Representantes ang programang “Alagang Kongreso” na nagkakaloob ng “health package” para sa mga retiradong empleyado ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III.

Ang ikinasang health package ng Kongreso ay isang “three-part institutional care program” sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na tulong para sa mga retiradong kawani ng Kamara na nagkakaloob ng isang bagong executive check-up package.

Binigyang diin sa nasabing programa ang mga benepisyong pang-kalusugan na maaaring makuha at mapakinabangan ng mga dating emplyado ng Kamara de Representantes.

Sinabi ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos na ang inisyatibong ito ay nagbibigay buhay sa ideya na ang serbisyo publiko ay pinaka-mabisang nagagawa kapag ang mga tao sa loob ng isang institusyon mula sa mga retirado at ksalukuyang empleyado ay inaalagaang mabuti sa pamamagitan ng mga health care program.

“We express our gratitude to Speaker Bojie DY for initiating the three programs, a clear reflection of his concern and compassion for the plight of House personnel and retirees,” sabi ni Marcos.

Ayon pa sa mambabatas, ang “Alagang Kongreso” ay tungkol sa pagpapakita ng tunay na kalinga. Kapag mas madali ang pag-access sa check-up, mas malinaw ang support system para sa mga retirees at mas maayos ang paglapit ng taong bayan para sa tulong.

Ang programa ay ipinatupad sa tatlong bahagi na nagsimula sa paglulunsad ng Dakilang Yugto para sa mga retiradong tauhan ng Secretariat, sinundan ng pagbubukas ng Suporta sa Bayan Desk sa North Gate Screening Facility at nagtatapos sa normal na presentasyon ng HRep Executive Check-up sa People’s Center.

Nagkaroon naman ng paglagda para sa Memorandum Circular at Memorandum og Agreement (MOA) kasama ang mga partner na Ospital ng pamahalaan.

Nilinaw sa unang bahagi na ang Alagang Kongreso ay hindi lamang para sa mga aktibong empleyado ng Kamara. Sa pamamagitan ng Dakilang Yugto, pormal na kinilala ng Kongreso ang mga retiradong tauhan ng Secretariat at naglatag ng programang nagbibigay ng patuloy na tulong para sa mga retirado.