Alltv

ALLTV mas exciting sa pakulong pamudmod ng bahay, lupa linggo linggo

Ian F Fariñas Jul 6, 2024
50 Views

ANG Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ay naglunsad noong Lunes, July 1, ng Panalo sa ALLTV promo para maging mas exciting ang panonood ng viewers.

Ang AMBS, na nag-ooperate ng ALLTV, ay mamimigay ng bahay at lupa mula sa Vista Land kada Linggo hanggang August 26 habang P500 each naman ang naghihintay sa 20 lucky winners araw-araw.

Simula Lunes, hinihikayat ang mga manood na i-scan ang QR code na magpa-flash sa mga programa ng ALLTV.

Hanapin lang ang word/s for the day na ipapakita mula sa pagbukas ng mga programa simula 12 noon hanggang 11:15 p.m.

Kailangan ding mag-selfie ang mga nais sumali.

Para sa mas detalyadong mechanics, magpunta sa www.alltv.com.

Mapapanood sa ALLTV ang pinakamatagal nang TV news show na TV Patrol at ang pinakasikat na variety show na It’s Showtime!

Mapapanood din sa ALLTV ang classic programs ng ABS-CBN na nasa Jeepney TV.

Ang ALLTV ay mapapanood sa Channel 2 (Free TV at Planet Cable); Channel 35 (Cignal and Skycable- provincial areas); Channel 13 (Skycable in Metro Manila) at Channel 2 (for Sinag, Cablelink, GSAT and other cable TV).