Liza

Mga miyembro ng pinilakang tabing aayudahan ni FL Liza Marcos

Chona Yu Feb 12, 2024
31 Views

PINAG-AARALAN na ni First Lady Liza Marcos kung paano tutulungan ang mga nasa industriya ng pinilakang tabing.

Ito ay matapos ang pakikipagpulong ni First Lady Marcos sa mga kagawad ng Filipino Film Industry.

Hindi maikakaila na nalugmok ang industriya ng pinilakang tabing nang tumama ang pandemya sa COVID 19.

Kasama sa pulong si Film Development Council of the Philippines Chairman and Chief Executive officer Tirso Cruz III.

Present din sa meeting ang aktor na si Dingdong Dantes na kabilang sa  Board of Trustees ng Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfound) na isang organisasyon na nagbibigay ng tulong sa mga movie workers sa panahon ng pangangailangan.

Ilan din sa namataang dumalo sa pulong ng First Lady ay si Department of the Interior and Local.Government Secretary Benhur Abalos.