Pangandaman

Alok na maging kalihim ng DBM tinanggap ni Pangandaman

281 Views

TINANGGAP ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Assistant Governor Amenah Pangandaman ang alok ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na maging kalihim ng Department of Budget and Management (DBM) ng susunod na administrasyon.

“As-Salāmu `Alaykum. It is my honor to serve the Filipino people during this critical juncture in our history,” sabi ni Pangandaman.

Sinabi ni Pangandaman na gagawin nito ang lahat upang matumbasan ang tiwala na ibinigay sa kanya ni Marcos at tutulong upang maiahon ang bansa mula sa pandemya.

Ayon kay Pangandaman ang modernisasyon ng budget system at ang maayos na paggugol ng limitadong pondo ng gobyerno ang magiging focus ng kanyang pamumuno.

“The pandemic was a challenge like no other in the way it stretched our resources and set us back on our goals as a nation. My team and I vow to work with the rest of the economic team and continue the policies and reforms that we have long fought for. We will strive to ensure prudent and transparent use of public funds in a way that allows us to regain lost ground while also uplifting the lives of the ordinary Filipino,” dagdag pa ng papasok na kalihim ng DBM.

Si Pangandaman ay dating Undersecretary ng DBM. Siya rin ay nagsilbing functional Group Head ng Office of Secretary sa ilalim ni DBM Secretary Benjamin E. Diokno mula 2016 hanggang 2019.

Siya ay isa sa mga sumusog sa paggawa ng pondo ng gobyerno at nangasiwa sa implementasyon ng Green, Green, Green—isang budget assistance program para sa mga lokal na pamahalaan upang makapagtayo ng mga public open spaces.

Si Pangandaman ay naging chief of staff ni dating Senate President Edgardo Angara, at Sen. Loren Legarda.

Nagtapos si Pangandaman ng Bachelor’s degree in Economics sa Far Eastern University. Siya ay mayroong diploma at master’s degree sa Development Economics ng University of the Philippines at kumukuha ngayon ng Executive Master of Public Administration sa London School of Economics.