Ama Kinakausap ni NBI Director Jaime Santiago ang suspek na naaresto sa entrapment ng mga NBI operatives sa Brgy. Pag-asa, Quezon City. Kuha ni JonJon Reyes

Ama na binenta online anak kinasuhan ng human trafficking

Jon-jon Reyes Sep 19, 2024
100 Views

SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng kasong human trafficking ang ama na naaresto sa aktong nagbebenta ng 11-buwan niyang anak sa halagang P55,000.

Kinasuhan sa Quezon City Prosecutor’s Office si Kenneth Crisologo na naaresto noong Setyembre 3 sa entrapment ng mga ahente ng Special Task Force (STF) ng NBI.

Sinabi ng NBI na nag-ugat ang kaso mula sa impormasyong natanggap ng NBI-STF na si Crisologo sangkot sa pagbebenta ng sariling anak sa online.

Nagsagawa ang mga operatiba ang NBI-STF sa Brgy. Pag-asa, Quezon City na nagresulta sa pagkakadakip kay Crisologo.

Dinala ang sanggol sa Social Services Development Department ng Quezon City.