Anak ni DOJ Sec Remulla nanalo sa special poll sa Cavite

186 Views

IPRINOKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) si Crispin “Ping” Remulla na siyang nanalo sa isinagawang special election sa pagkakongresista ng Cavite.

Si Remulla, anak ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, ay board member ng Cavite.

Nakakuha ang nakababatang Remulla ng 98,474 boto o 66.67 porsyento ng lahat ng boto sa naturang halalan.

Ang pumangalawa sa kanya ay si Jun Sagun na nakakuha ng 46,530 boto at sinundan nina Lito Aguinaldo (1,610 boto), at Mike Santos (1,068 boto).

Sa 355,184 rehistradong botante sa ikapitong distrito ng Cavite, tanging 149,581 o 42.11 porsyento lamang ang bumoto.

Nabakante ang posisyon ng kinatawan ng ikapitong distrito matapos na italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nakatatandang Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).