Calendar
Andrea kinantyawan sa late entry sa make-up challenge
Ang daming kantyaw na inaabot ngayon ni Andrea Brillantes dahil sa late entry niya ng “Piliin Mo ang Pilipinas Make-Up Challenge” na matatandaang nauso noong Mayo pa.
Nag-upload ang actress ng kanyang entry last Sunday and in fairness napakaganda naman ng kanyang concept at halatang pinag-isipan niya nang husto.
Winner din ang napakaraming outfits niya at siya na yata ang nakita naming gumawa nito na may ganyan karaming costume change.
Mayroon siyang Maria Clara outfit, Darna, Miss Universe, Manny Pacquiao, Maria Ressa, fisherman, farmer, magtataho, driver, OFW at marami pang iba.
Sa dulo ng video ay makikita ang buong pamilya ni Blythe pati na ang kanilang aso.
Pinuri naman ng netizens ang video ni Andrea pero minus points nga, kumbaga, dahil laos na at pinaglumaan na ng panahon.
Sa panahon na ang uso na ngayon ay ang “APT Dance Challenge,” nasa “Piliin Mo ang Pilipinas” pa rin ang aktres.
Isa nga sa mga nagpahayag ng papuri at suporta sa aktres ay ang kanyang inang si Belle Brillantes.
“Naiiyak ako. ang galing galing mo. Sobrang proud ako sayo. At touch ako kc sinama mo c mommy huhu. Sinama mo family at ung dog,” komento ni Mommy Belle.
Dagdag pa niya, “Paulit ulit kong pinapanood , sorry na proud mom lng. Di ko na mention sa una kong comment. Nag ka goose bumos din ako mung nakita ko c darna. We planned this, namili kme sino mga isasama. Mga heroes nung dati at modern heroes, so may idea na ako sa mga lalabas na characters. Somehow i forgot na kasama c darna. So when i saw her in that costume nangilabot ako. Mga pinangarap kong mga roles nya nung bata pa sya. Thanks again sa prod at glam.”