Marites Lang

Ang Nine Dash Line ng China

Marites Lang Apr 28, 2022
418 Views

MAPANG tension sa South China Sea na dito sa atin ay kilala bilang Spratlys Islands na nasa bandang Palawan na pinanggagalingan ng mga usapin na umabot pa sa United Nations Convention on the Law of the Sea(UNCLOS), ay napakahaba.

Naibigay ang teritoryong ito sa Pilipinas sa desisyon ng UNCLOS subalit parang ayaw ng mga intsik pumayag. Ang dahilan ay ipinipilit nila – mga Chinese, na ang lugar na ito ay kaparte nga ng kanilang nine dash line. Ito ay isang U-shaped na linya sa isang 1947 map na nagdedetalye ng kanilang pagaari daw. Eto ay putol putol na linya na korteng letter U na dinadaanan ng mga commercial routes sa international trade na hitik na hitik daw sa kayamanan at mga natural gas, langis, iba ibang isda, magagandang corals at iba pang kayamanan. Ang mga intsik mula daw sa pagkabata nila ay naimulat sa kaisipan nila na ito ay kanilang pagaari. Idinulog nila ang kaalamang ito noong 2009 sa UNCLOS na meron daw silang nine dash line na pagaari sa karagatang ito.

Umabot pa sa puntong nakadrawing ito sa mga Chinese passports para sabihin nila sa buong mundo na sa kanila yun.

Ang matinding argumento sa kaso ay meron ding mga ebidensya ang Pilipinas na atin ito. Parte ito ng Philippine Economic Zone na naka define sa ating mga batas noon pang unang panahon.

Humaba at madaming taon na binilang ng isyu na ito. Bakit ba naman hanggang Malaysia e gusto ng mga intsik mag assert na pagaari nila ang karagatan at mga yaman nito na drawing at linya lang ang pruweba noh? At maaaring agree ang mga nasa kalangitan sapagkat biglang nadesisyonan ng UNCLOS na atin nga ito — na siya namang tunay daw. At nung binanggit at ipinakita sa isang pelikula ni Mark Wahlberg at Tom Holland na may titulong “Uncharted” ang map ng 9 dash line, naipa pull out ito sa mga sinehan sa Pilipinas. Marahil ay dahil umiiwas na lamang ang ibang mga grupo dito na ang isyung ito ay mapag-usapan pa kaya ipinaalis ng MTRCB ang pelikulang ito. Well, hindi nga naman magandang ito ay ukilkilin pa ngayong madaming inuunang mga problema na internal ang ating bansa tulad ng eleksyon, mga landslides dulot ng bagyo, mga political issues etc. Sabi nga, we have too much on our plate for now.

Hindi natin masisisi ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagrerekomendang alisin itong pelikulang ito sa ating mga sinehan. Ayaw nilang magatungan pa marahil ang sensitibong issue na ito. Ibigay natin sa gobyerno ang karapatang i-park muna itong isyung ito hanggang magkaroon ng tamang panahon para pagusapan muli ito ng ating mga pinuno.

Madaming bansa ang humikayat sa UNCLOS na ibigay sa kanila ang teritoryong ito subalit sa Pilipinas nga ito naibigay noong 2016. Magandang balita subalit kailangang hilutin ang China sa isyung ito. Mga magriritwal sa Siquijor, Palawan at Mindoro, tumulong kayo palamigin ang ulo ng mga intsik sa isyung ito at me shock factor sa kanila ang desisyon na ito. Kahit nai-award sa atin itong teritoryong ito ay dapat magkaroon ng acceptance ang mga umasa, nagka interes at nagisip ng kung ano anong mga proyekto para sa dagdag yaman nila. Ayun naglagay ng military facility sa

Spratlys ang mga intsik. Kaya still mode muna si Juan Dela Cruz. Tama naman din siguro yun. Ang tension ay baka ma-elevate sa eleven-syon at lumala kaya hinay hinay lang kasi me dokumento na tayong hawak. Kung merong dakilang magiting na type mabugahan ng apoy ng Chinese dragons at sumabay sa kanilang angry bird fever, we admire you. Mauna ka magpasunog sa buga ng apoy nila. Baka akala ninyo e matatapos ito ngayon na heto, me ginagawa sila sa Spratly at tayo ay dedma cum laude muna. Hindi ganun yun, feel ko lang. We all need time to comprehend, internalize and actualize. After all, baka hindi pa pupuhunanan ng Pilipinas ang teritoryong ito para makuhanan ng mga treasures na nakatago dito. Baka di pa naisali sa budget sabi nga.

There is a time for everything. Bumagyo nga nung minsan na nabunot ang mga puno ng mangga sa Palawan sa sobrang lakas. Alam nyo ba na ang lakas ng impact nito sa Spratlys Islands ay di lang naibalita. Meron tayo kakampi na maaaring hindi nila kilala. Ang sabi ng ilang mga nagmamasid, hindi daw puede maagaw ang isang bagay na talagang nakatakda talaga. Kaya yung mga maingay tungkol sa isyu na ito, kung di nyo mamasamain ay ang payo ko po ay, maghintay ng konting panahon para luminaw ang tubig. At hanggat maaari ay di muna siguro natin sasanggain ang mga sensitibong issues dito para hindi magatungan at nang hindi uminit lalo ang sitwasyon. Sabi nga, when the dust settles lalabas ang katotohanan at baka ni hindi tayo dapat mastress kasi kusang aayon ang pagkakataon at mapapakinabangan ng tunay na may ari ang mga lugar na ito. Keep the faith. After all, madami pang bagong movies na magaganda din ang ipapalabas sa Metro Manila movie houses, di ko mamimiss ang movie ni Mark Wahlberg. Chill lang tayo.