Marianito Augustin

Ang pagbangon ng Philippine tourism ay bunga ng husay at galing ni Madrona bilang Chairman ng Tourism Committee

193 Views

MARAHIL ay ikinagagalak ng House Committee on Tourism ang paunti-unting pagsigla ng Philippine tourism pagkatapos ng halos dalawang taong pandemiya sa ating bansa na naka-apekto ng husto sa industriya ng turismo dahil sa mga ipinatupad na lockdown at travel restrictions

Ang pagdagsa ng napakaraming turista sa Boracay Island, ang pinaka-sikat na beach resort sa buong Pilinas, maging ito man ay mga dayuhan at lokal na turista ang isa sa mga malinaw na indikasyon na talagang “back to normal” na ang Philippine tourism mula noon pang 2022.

Siguradong tuwang-tuwa si Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee, sa magandang “showing” o ipinapakita ng Philippine tourism.

Sapagkat isa lamang ang magiging resulta nito. (1) Malaking kita ang papasok sa kaban ng gobyerno na makakatulong sa ating ekonomiya. (2) Makakalikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sinabi na noon pa ni Congressman Madrona na ang tourism ng bansa ang isa sa mga inaasahan ng ating pamahalaan na makakapagpaahon sa ating ekonomiya o tinatawag itong “economic driver” ng gobyerno dahil sa malaking income na ipapasok ng Philippine tourism sa pamamagitan ng mga dayuhang turista.

Saksi ako sa mga pagsisikap ni Congressman Madrona para matulungan ang Philippine tourism na makabangon. Sapagkat noong mga nakalipas na buwan ay malimit ko siyang ma-interview at makapag-cover ng kaniyang mga Committee hearings sa Tourism Committee.

Beteranong kongresista na si Madrona kaya kung anoman ang tagumpay na inaani ngayon ng Philippine tourism ay dahil narin iyan sa husay, galing, talino at kasipagan ni Congressman Madrona. Nararapat lamang na mabigyan din ng recognition at pagkilala si Madrona dahil sa muling pagsigla ng ating turismo.

Marahil ay marami pang dapat gawin si Madrona sa pagpasok ng 2nd Regular Session ng Kongreso sa darating na Hulyo. Batid kong marami pang panukalang batas ang kailangan niyang ihain at tutukan para mas lalo pang mapahusay ang turismo ng Pilipinas, ngayon pang unti-unti na itong nakakabangon.

Ang maipapangako ko lamang kay Congressman Madrona ay 100% ang aking suporta sa kaniya at kaniyang advocacy na matulungan ang ating Philippine tourism. Sapagkat naniniwala din ako ng malaking attraction ang tourism ng Pilipinas para sa mga dayuhan at lokal na turista.

Nasa likod niyo po ako Congressman Madrona. Ipinapangako ko sa inyo na lagi nating ibabalita ang mga ginagawa ng House Committee on Tourism para makarating narin sa kaalaman ng ating mga kababayan na hindi nagpapabaya ang mga tulad nito sa pagganap sa kanilang tungkulin. Mabuhay po kayo Congressman Madrona at Congratulations po sa inyong kasipagan, kahusayan at talino. God Bless po.

Komprehensibong “food stamp” para sa mga mahihirap na Pilipino iminungkahi ni 1-PACMAN Party List Cong. Mikee Romero

NAIS ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero Ph.D., na magkaroon ng isang komprehensibong “food stamp” para sa mga maralitang Pilipino na nakapaloob sa isinulong nitong panukalang batas.

Sinabi ni Congressman Romero na upang tuluyang matugunan ang matinding problema ng Pilipinas kaugnay sa kahirapan at maraming mamamayan ang halos walang makain. Ipinapanukala nito na dapat makatulong dito ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Romero, Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na layunin ng kaniyang Hiuse Bill No. 8532 na magkaroon ng tinatawag na “supplement” sa lahat ng mahihirap na Pilipino para tuluyang mapuksa ang paganap na kahirapan at kagutuman ng maraming Pilipino.

“This comprehensive food stamp program, as proposed and executed in other countries are actually agricultural programs. They aim to link rural surpluses with food-poor urban communities. This way, we could effectively address urban poverty,” paliwanag ni Congressman Romero.

Bilang Chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, todo rin ang pagsisikap ni Congressman Romero na matulungan ang ating mga kababayang mahihirap. Partikular na ang mga kababayan natin na walang makain dahil sa labis na karukhaan o yung mga nasa poverty line.

Kaya upang magkaroon ng komprehensibong “food stamp” para sa ating mga kababayang mahihirap. Nais ni Congressman Romero na makapag-formulate ng isang polisya at mga plano para magkaroon ng direction para sa mga intermediaries at implementers ng nasabing programa.