Marites Lang

Ang Rainbow Flag Month

Marites Lang Jun 6, 2022
379 Views

MGA Ate at Kuya, buwan na naman ng Hunyo. Ang June ay bukod sa ramdam ang tag-ulan ay celebrated as the Pride Month sa buong mundo. Siyempre kapag ipinagbubunyi ang kalayaan ng mga LGBT ay may kasamang mga funny moments, funny quotes, makukulay na parada at kung anu ano pa. Anyare lang nag pandemic Teh! Waley gay parade, waley pride march at waley celebrations sa tv shows ng ilang taon. Bagamat waley ang mga fanfare ngayon hindi natin sasabihing nawala naman ang pagmamahal para sa mga badidash, tiboli and everything in between. At siyempre sarado man ang mga salon hanggat may beauty contests ramdam nating lahat na buhay na buhay pa din sila.

What makes the LGBT community distinct from the rest of the brethren? Sabi nila being a part of this community does not necessarily mean being sexual in orientation. Hindi sila lahat ay sexual preference ang pinag uugatan ng kanilang mga pamantayan sa pag uugali, pamimili ng lifestyle, gender identity at self-expression gestures. Kadalasan ay ito ay simpleng pagpanig sa mga bagay o pag uugaling makakapagpaligaya sa kanila bilang isang nilalang. Or sometimes it is simply all about energies that they resonate with. Madalas, kahit puro muscles man na pagkabibintog ang katawan nila e mas type din nila tumingin at makipagusap sa mga hunks din. E kung ayaw nila sa mga Sex Bomb na form at Barbie doll beauties na kausap e bakit pipilitin? Yung iba naman sila ang gusto mag-ala Barbie doll. Hala kanya kanyang feel ng vibe yan. Yung ibang ang sesexy at mala mowdel ang form na gurl, ay mas sexy at mala diyosang kagandahan din ang feel. Diabolical jokes ang tingin ni pinsang homophobic ang feels but the truth is minsan parang me naglarong alien sa pagtransport ng souls punta sa mga tao talaga. Ang feminine soul napunta sa mga baby boys. Ang macho hunks ng universe na soul biglang napunta sa Helen of Troy girl.

E sino naman tayo para mag impose ng belief system natin sa kapwa natin unless hingiin ang ating opinion di ba naman? Actually atin atin lang nagagandahan ako sa mga bella babes na amazon ang form at ang kachika ay sexy din na shala ang dating. Uso na ngayon ang babaeng muscular ang form. Siempre nakakatulong sa kagandahan na hindi chipipay ang japorms pero kung may taste maski hindi branded ang mga suot ok din. Tapos hihilera sila as mga glamorosang mga tiboli at kese hodang di nila feel ang mga men… di ba?

Sa isang banda ang mga poging buff din kung nakahilera na puro kagaganda ng bihis, ok din sila tingnan kahit sila sila din ang mag jojowa. E ano naman kung men din ang feel nila? Wala naman tayong judgement diyan. Uso ang men to men (M2M) sa streets ng San Francisco, madami don ang Public Display of Affection (PDA). DI malayo magkaganyan din dito. Ayyy me smooching openly don at talagang sweetness ang makikita mo sa kanila – mga alternative lifestyle ang tawag sa kanilang grupo.

Of course, ang mga LGBTQ members naman ay atin ding dapat irespeto most especially when they are very productive and hard working. A lot of them are very successful and admirable. Some of them even become good leaders. They can be what they imagine themselves to be and their self-expression make them a happy cluster of people in society. Ang sasaya ng kanilang grupo at magaganda ang artistry ng karamihan sa kanila. Most of them have very good taste.

At ang kagandahan naman dito sa atin ay ang Philippine Society ay hindi kailanman prejudiced sa kahit kaninong grupo. We are a very open-minded society valuing harmony and smooth relationships. Kaya ang saya ng ating kultura at ang mga LGBTQ sisterakas ay talagang tanggap na tanggap natin. I wonder why social scientists seldom write articles about this specific type of social enigma. O di ba mga tarushi? Di nila nilalabas ang mga nosebleed terminologies regarding this community. Di nila sinasabi ang usual cause and effects ng mga gay relationships at ang paradigm shifting most especially in the corporate world. Ang mga reactions kaya ng yuppies at millennials sa gay CEOs ay naidocument na?

Wish ko sana ay may mapublish na mga studies on how the rainbow flag can be more influential in developing social dynamics and offer positive influence to culture. Let us identify how contributory they are to societal development. Mga matatalinong teachers, professors, social scientists… it’s your time to shine once more. Mag tie up na sa mga social groups na may pondo, NGO’s or mga Advertisers Groups to objectively identify how the LGBTQ community can be of better help. Magandang programa na pwedeng ilatag ito sa Pride Month kaya yang mga ganyan…
Moreso, mas maganda meron ding structured na mga long term strat plans para mas makatulong sila sa DSWD or sa Department of Tourism siguro in making sure that our country will look inviting to tourists. Pwede sila tumulong mag put up ng mga bazaar na madrama ang concept to market Filipino products and designs. Since this is Pride Month sana ay mailatag ng maayos ang mga magagandang opportunities to make the LGBTQ community more helpful to society. Sana ay maappreciate nila ang ganitong mga endeavors like the beauty queens who make themselves available to the organizations supporting their advocacies.

To further make this Pride Month more helpful and positive is our common aim kaya po ako nakapag suggest na sana ay inyong ipagpaumanhin kung medyo nakakastress and dating. Tandaan natin ito, ang stress ay nakakapeleges habang ang pagbahagi ng mga magagandang ugali para makasali sa mga nakakagandang proyekyo ay palaging nakakagaan sa pakiramdam ng nakararami.

Yun lang po at happy Pride Month.