Leni

Anim na cabinet position pangako ni Leni sa NPA

Nelo Javier Mar 14, 2022
258 Views

AABOT daw sa anim na mahahalagang posisyon sa gobyerno ang pangakong ibibigay ni Leni Robredo sa teroristang New People’s Army (NPA) kung sakaling manalo ito sa darating na halalan sa Mayo 9.

Ayon sa intelligence report na nakalap ng pamahalaan, pumayag si Robredo na ibigay ang Departments of Trade and Industry (DTI), Social Welfare and Development (DSWD), Labor and Employment (DOLE), Interior and Local Government (DILG), Health (DOH) at Agriculture (DA) sa CPP-NPA bilang kasunduan upang makabuo ng koalisyon sa pamahalaan.

“In a desperate move to offset the insurmountable lead of Marcos (Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.), Robredo accepted the offer of the Left to bolster her ranks in exchange for several high-profile cabinet positions that will practically seal their coalition government,” ayon sa intel report.

“The Cabinet positions are vital and strategic, in the sense that it could tilt the balance of power and dictate the direction of the political and economic programs of the president,” dagdag pa ng source.

Sinabi niya na kung sakaling makuha ng mga terorista ang mga nabanggit na posisyon, susubukan nilang gambalain ang mga investors at ilalagay sa delikadong posisyon ang mga negosyante sa pakikipagtulungan ng mga labor activists na siya namang magpapalakas sa unyonismo.

Dagdag pa ng source na pipigilan ng mga NPA ang mga proyekto ng pamahalaan tulad ng Build, Build, Build project at haharangin ang mga foreign investments para sa paghahanda ng “takeover”.

Matatandaan na noong Sabado kinumpirma ni President Duterte na ang “dilawan” ay totoong nakipag-ugnayan sa CPP-NPA at may planong isabotahe ang halalan sa May 9, 2022.

Sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ni Duterte na ang gobyerno ay may minamatyagan na dalawang grupo na nakikipag-ugnayan sa ilang kilalang tao.

“Itong mga Dilawan tapos… I forgot the other one. ‘Yan ang ano ng gobyerno. They’re watching for that kind of situation,” sabi ni PRRD.

Sinigurado naman ni Duterte na hindi niya papayagan ang sinumang grupo na mananamantala sa halalan. Sabi niya, “I cannot guarantee you that it will be peaceful. There will be one or two or three, and even (here in) Mindanao.”

Kamakailan, nagkaroon din ng pangangamba si Sen. Panfilo “Ping” Lacson tungkol sa siguradong report ng intelligence na may mga organisasyon ng CCP legal front ang nakikilahok sa rally ng kampo ni Robredo.

“This is worrisome. A coalition government with the CPP-NPA-NDF will set back the gains of the government’s efforts to end the country’s decades-old insurgency problem,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter.

Ang hakbang ni Robredo ay matatandaang halintulad ng desisyon na noo’y pangulong Cory Aquino nong 1986 kung saan pinakawalan niya ang mga political detainees na nakasuhan at nakulong sa panahon ni dating pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. at kasunod nito ang pag-appoint ni Aquino sa mga komunista sa ilang posisyon ng gobyerno.

Ang desisyon na iyon ay agad na nag-backfire na naging powder keg para magsimula ang mga rally na humantong sa matinding pagkilos at pagtatangka ng kudeta.