Calendar
Anti-smuggling campaign ng BOC pinaigting
PINAIGTING ng Bureau of Customs (BOC), sa ilalim ng direktiba ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kampanya nito laban sa smuggling lalo na sa mga produktong agrikultural.
Patunay dito ang sunod-sunod na operasyon ng BOC na nagresulta sa pagkakasabat sa milyun-milyong halaga ng mga produkto.
Hindi nag-aatubili si Commissioner Rubio na pumirma ng Letter of Authority (LOA) upang masuri ng kanyang mga tauhan ang mga kahina-hinalang kargamento at mga warehouse kung saan pinaniniwalaang iniimbak ang mga smuggled na produkto.
Kasama sa mga naharang ng BOC ang 58 container na naglalaman ng 30,000 sako ng asukal sa Subic Bay New Container Terminal noong Marso 2.
“We strongly condemn those unethical acts of fraudulent importers as they endanger the health and safety of local consumers and negatively impact the livelihood of local farmers and businesses,” sabi ni Commissioner Rubio.
Noong Marso 15 ay nahuli ng BOC sa Port of Subic ang 30 container na naglalaman ng refined sugar mula sa Hong Kong. Nagkakahalaga ito ng P86 milyon.
Kamakailan ay P120 milyong halaga ng frozen seafood at poultry product naman ang kinumpiska ng BOC sa pitong warehouse sa Navotas dahil pinaniniwalaang smuggled ang mga ito.
Nakipagpulong na rin si Commissioner Rubio kay Justice Secretary Jesus Crispin Boying Remulla upang pag-usapan ang DOJ-BOC Task Force para matiyak na matibay ang mga maisasampang kaso laban sa mga smuggler.
“As we heighten our intelligence and enforcement measures to thwart smuggling attempts of unscrupulous importers, we also ensure that those found guilty face the maximum lawful consequences they deserve,” sabi pa ni Commissioner Rubio.
Naging matagumpay umano ang operasyon ng BOC sa tulong ng Department of Justice, Department of Agriculture, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at National Bureau of Investigation.