De Leon

Antipolo Cathedral itinalagang international shrine ng Vatican

243 Views

ITINALAGA ng Vatican ang National Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, mas kilala bilang Antipolo Cathedral, bilang isang international shrine, ang kauna-unahan sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Francisco de Leon inaprubahan ng Vatican ang kanilang petisyon na ideklarang international shrine ang katedral.

“We received a letter from Rome saying that on June 18, our national shrine will be recognized as an international shrine,” sabi ni De Leon sa pahayag ng CBCP.

Ang Antipolo shrine ang ika-11 international shrine sa mundo at ikatlo sa Asya sunod sa St. Thomas Church Malayattoor sa India, at Haemi Martyrdom Holy Ground sa South Korea.

Ang simbahan ng Antipolo ang unang Marian international shrine sa Asya at ika-anim na mundo.

Ang Simbahang Katoliko ay mayroong tatlong uri ng shrine: ang diocesan shrines na inaaprubahan ng lokal na bishop; national shrines na iginagawad ng bishops conference; at international shrines na ibinibigay ng Vatican.