LMP

Aragones suportado ng LMP, alkalde mula 28 bayan

Gil Aman Oct 17, 2026
21 Views

STA. CRUZ, Laguna–Nagpahayag ng suporta ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) kay Laguna Gov. Sol Aragones sa pagtitipon sa provincial capitol noong Lunes.

Nagbigay ng mga pahayag ang mga town executives upang suportahan ang gobernador sa kanyang magagandang programa na pinakikinabangan ng mga mamamayan.

Ayon kay Gov. Aragones, kailanman ay hindi niya ipagpapalit ang pagnanakaw sa tungkulin.

Pinangunahan ni Rizal Mayor Vener Muñoz, pangulo ng liga, ang pahayag ng suporta ng mga alkalde mula sa 28 bayan.

“Ang League of Mayors of Laguna ay lubos na sumusuporta kahit hindi lahat ay narito ngayon. Nagsasalita ako para sa lahat na kasama ninyo kami, Gov. Sol,” pahayag ni Muñoz.

Dumating sina Paete Mayor Bokwet Cosico, LMP-Laguna vice president; Santa Cruz Mayor Benjo Agarao; Pagsanjan Mayor Jan Garcia; Lumban Mayor Belen Raga; Pila Mayor Atty. Queen Alarva at iba pang mga pinuno ng bayan.

Nagpahayag din ang mga ito ng pagkakaisa sa gitna ng umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon at mga pag-atakeng pampulitika laban sa gobernadora.

Nagpasalamat si Aragones sa tiwala at pakikiisa ng mga alkalde at kinilala ang mga hamong pinagdaanan mula nang pumasok sa serbisyo publiko.

“Hindi tayo perpekto. Hindi nangyayari sa isang gabi ang malaking pagbabago,” ani Aragones.