DOLE

Arawang minimum na sahod sa Region IX may dagdag na P35

158 Views

INANUNSYO ng Department of Labor and Employment ang pagtataas ng daily minimum wages sa Zamboanga Peninsula (Region IX).

Ayon sa DOLE ipinalabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) IX ang Wage Order No. RlX-21 na nagdaragdag ng P35 sa arawang sahod sa rehiyon sa non-agricultural at agricultural sector.

Mula sa P316 ay magiging P351 na ang minimum sa Region IX.

Ang mga nagtatrabaho naman sa mga establisyemento na mayroong 10 hanggang 30 manggagawa ay tataas sa P338 mula sa P303 kada araw.

Para sa mga establisyemento na walang 10 ang empleyado hahatiin sa dalawang tranche ang pagtaas—P20 kapag naging epektibo ang order o magiging P323 at ang nalalabing dagdag na P15 simula sa Oktobre 1.

Ipinalabas din ng RTWPB ang Wage Order No. RlX-DW-3 para sa dagdag na P500 sa sahod ng domestic workers. Magiging P4,000 na ang minimum na sahod ng domestic helper sa chartered city at first-class municipality at P3,500 naman sa mga munisipalidad.

Aabot umano sa 30,513 manggagawa sa pribadong establisyemento at 18,984 domestic worker ang makikinabang sa pagtataas ng minimum na sahod.