ARTA Tinanggap ni General Trias City Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV (2nd sa kanan) at Vice Mayor Jonas Labuguen (2nd sa kaliwa) ang glass plaque at commendation of seal of eBOSS compliance kay Secretary Ernesto Perez, Director General of Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa awarding ceremony sa Manila Hotel. Kasama sa larawan si Manila Hotel President Joey Lina.

ARTA pinarangalan ang GenTri

Dennis Abrina May 23, 2025
16 Views

GINAWARAN ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang General Trias ng seal of 𝗲𝗕𝗢𝗦𝗦 compliance noong Mayo 22 sa Manila Hotel.

Pinangunahan ni Mayor Luis ‘Jon Jon’ Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Labuguen at City Business Permit and Licensing Office head Romel Olimpo ang pagtanggap ng plaque mula kay Secretary Ernesto Perez, director general ng ARTA.

Nakatanggap ng recognition ang General Trias dahil sa mga initiatives nito upang mas mapadali ang pagnenegosyo sa lungsod gamit ang makabagong teknolohiya.

Binabati po natin ang ating BPLO, sa pangunguna ni Romel Olimpo, sa kanilang matagumpay na pagpapatupad ng eBOSS na siyang nagbunga ng mas mabilis at higit na epektibong transaksyon at proseso para sa ating mga mamamayan,” sabi ni Vice Mayor Labuguen.