Calendar
Atasha inakalang tunay na sirena ang inang si Charlene
OPISYAL nang pumirma sa Viva Artists Agency ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, ang 21-taong gulang na si Atasha Muhlach.
Bagama’t sampung taong gulang pa lamang noon ay gusto na niya talagang mag-artista, pinayuhan siya ng mga magulang na unahin ang pag-aaral. Kaya ngayong graduating na siya sa kursong
Business sa isang unibersidad sa London, pinayagan na siya ng kanyang mga magulang na ituloy na ang kanyang pangarap.
Sa ngayon, kailangan pang i-polish ni Atasha ang kanyang pagsasalita ng Tagalog, pero ginagawa niya ang lahat para ayusin ito. “I can understand it but in conversations, I have to practice to be more fluent. My dad gave me his script in Tagalog and told me to read it aloud, so I’d know raw what I’m getting into. I think kaya ko naman.”
Paano ba nagsimula ang hilig niya sa showbiz, bukod sa nakikita niya sa kanyang mga magulang?
“After I did ‘The Sound of Music’ when I was 10 years old, I’ve known that what I really want to do is perform,” sabi ni Atasha. “But my parents want me to finish my studies first, so I focused on that muna since I always give my best to anything I do.”
Ano ba ang gusto niyang gawin? “I’d like to act, sing, dance and do hosting. I want to try everything. I’m open to try all sorts of movie genres, but my first project for Viva will be record a single. It’ll be a happy song in Tagalog. “
Naging advantage ba ang pagiging Muhlach sa kanya? “Yes, both of my parents have been in showbiz for long, so they can guide me well. They have no objections about my getting into this. They are no stage parents. They’re both just very supportive as they know this is what I really want to do. They just tell me to always be kind, respectful and be myself.”
May balak ba siyang sundan din ang kanyang mommy Charlene bilang beauty queen?
“I’m not closing my doors on it. If the opportunity is there, why not? But I’m taking it one step at a time. Right now, I just want to focus on showbiz first.”
May balak din bang sumali sa showbiz ang kanyang kakambal na si Andres? “I wouldn’t want to answer for him. It is all up to him, but it would nice if we could work together in the future, also with our parents.”
Isang hindi niya malilimutan bilang anak ni Charlene ay ang pag-aakala niyang tunay na sirena ang kanyang ina, matapos niyang mapanood ang pelikula nitong “Dyesebel.”
“I really thought she was a mermaid,” ani Atasha. “Now, I just laugh it off.”