julia aga

Bagong tambalang Aga-Julia agad lumikha ng ingay, pero Aga, ayaw ng workshop

Eugene Asis Jul 5, 2023
100 Views

KAAGAD lumikha ng ingay ang announcement ng Viva Films na muling gagawa ng pelikula si Aga Muhlach sa ilalim ng kanilang kumpanya kung saan makakapareha nito si Julia Barretto.

Matatandaang gumawa si Aga ng pelikula noon, ang “Kailangan Kita”, isang box office hit kapareha ang tiyahin ni Julia na si Claudine Barretto.

Ang gagawing pelikula nina Aga at Julia ay pinamagatang “Forgetting Canseco” na hindi tuwirang sinabi ng direktor nito na si Denise O’Hara kung isang love story na iikutan ng mga karakter na gagampanan ng dalawa, pero malinaw namang ito’y tungkol sa pag-ibig. Miyembro ng isang chorale ang karakter ni Julia at conductor naman si Aga. Kung paano uusbong ang pag-ibig sa kuwento ay aabangan pa rin.

Pero nilinaw ni Aga na hindi ito May-December affair, dahil sa istorya, may asawa ang kanyang karakter.

“Marami pang pwedeng mangyari,” ayon kay Aga. “Pero excited na ako sa pelikula.”

May ilangan factor pa ang dalawa sa ngayon, pero ayon kay Aga,”Makatutulong ito sa pagdevelop ng aming mga karakter.”

Mukhang mas excited si Julia dahil ayon sa kanya, natutulog siya ngayon na katabi ang script ng pelikula.

Nang tanungin si Aga kung kailangan nilang mag-workshop para makapag-bonding at makapag-warm up sa isa’t isa, sinabi niyang hindi siya naniniwala sa workshop. “In fact, hindi ko agad

binabasa nang buo ang script,” ayon kay Aga. “May mga tinitingnan akong part pero par5a sa akin, doon na lang sa set hayaan na ma-develop ang lahat. Gusto ko talaga, organic.”

Halatang kilig na kilig msi Julia sa story conference na ginanap sa Viva conference room, dahil ayon sa kanya,”Alam ng mom ko (Marjorie Barretto) kung gaano ko pinangarap noon pa na makasama si…(biglang bumaling kay Aga), ano bang itatawag ko sa yo? At sinabi ko na yan noon pa kahit sa press na isa talaga siya sa gusto kong makasama sa isang project.”

Hindi pa sigurado kung isasali ang pelikula sa Metro Manila Film Festival o sa isang independent playdate sa mga sinehan, pero kung anupaman, may hangin ng excitement na naramdaman ang lahat sa pagsasamang ito ng dalawa sa hindi malilimutang project na “Forgetting Canseco.”