Vice Ganda napaluha nang maalala ang proposal sa kanya ni Ion Perez

134 Views

vice gandavice ganda NAGING emosyonal si Vice Ganda matapos niyang balikan ang engagement kay Ion Perez. sa “Everybody, Sing!” noong nakaraang Sabado (Hulyo 1).

Ito ay nangyari matapos makipag-usap sa isang pares sa game sing show na ‘Everybody Sing’ noong Sabado, Hulyo 1 sa mga engaged couple. Naala kasi ng Unkabogable Superstar kung gaano siya natakot noong niyaya siya ni Ion na magpakasal.

“Naiinggit ako kasi hindi ganoon ‘yung naramdaman ko nung nag-propose sa ‘kin si Ion. Naiinis ako kasi hinayaan kong talunin ng takot ‘yung dapat kong naramdaman,” pagkukwento ni Vice.

“Sobrang dami ng sinasabi sa ‘min ni Ion, nanakawan ako ng joy, parang sa inyo, di ba? Ang sarap ng normal, kasi ang normal niyan sa paningin ng marami di ba? ‘Yung babae tsaka lalaki pero ‘yung sa ‘min hindi normal ‘yung tingin sa amin,” dagdag pa niya, habang inaalala ang pagkakaiba ng pagtanggap ng mga tao sa relasyon ng straight at LGBTQIA+ couples.

Ibinahagi rin ni Vice na pinakiusapan niya ang mga kaibigan na burahin ang videos ng engagement dahil sa backlash na makukuha nila, lalo na si Ion. Gayunpaman, sinabi niya na nalampasan niya na ang kanyang mga takot at ngayon ay mas bukas na siya tungkol sa kanilang relasyon.

“‘Yung fear ko nu’n, wala na at ‘yung care ko nu’n sa ibang tao, wala na. Kasi all my care now, lahat ng care ko, na kay Ion na lang at sa nararamdaman namin,” sabi niya.