Calendar
Atong ipinagpatayo si Sunshine ng bahay sa Ayala, Alabang?
NAGTAPOS ang taong 2024 na masaya ang puso ng singer-actress na si Sunshine Cruz dahil muli itong nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ng controversial gaming wealthy businessman na si Charlie `Atong’ Ang.
Maraming babae na rin ang na-link kay Atong pero ngayon lamang ito umamin sa kanyang karelasyon at proud pa itong inamin ang relasyon nila Sunshine bagay na ikinatuwa rin ng dating mister ng singer-actress na si Cesar Montano. Cesar himself has been in a long relationship with a non-showbiz woman na si Socorro `Kath’ Angeles with whom he has three kids na sina Liam, Samuel at Kristen. Bukod sa tatlong anak ng dating mag-asawang Cesar at Sunshine, may dalawa rin itong anak sa kanyang namayapang misis na sina Angela at ang yumao na ring si Angelo who died in October 2010 sa edad na 23. May isa ring anak na lalake ang actor-director at producer na si Cesar sa dating beauty queen na si Sandra Seifert na si Corinth Ian (8) na nakilala ang mga nakatatanda at nakababatang kapatid on Cesar’s 60th birthday.
Ipinakilala na umano ni Atong si Sunshine sa kanyang mga anak gayundin si Atong sa mga anak ng actress (kay Cesar) na sina Angelina, Sam at Cheska.
Matapos kumpirmahin ni Atong ang kanyang relasyon kay Sunshine ay naging visible na ang dalawa sa mga lakaran at kasama na rito ang kanilang pagiging principal sponsors sa isang kasal.
Sina Atong (68) at Sunshine (47) ay may 21 years age gap.
Dahil sa sobrang yaman ni Atong, kaya nang mamuhay ni Sunshine nang mariwasa nang hindi niya kailangang magtrabaho pa bilang singer-actress. Pero hindi naman umano pinagbabawalan ng kilalang businessman na ipagpatuloy ng singer-actress ang kanyang trabaho.
May balitang ipinagpatayo umano ni Atong si Sunshine ng isang magarang tahanan sa Ayala Alabang.
Jak tahimik pa rin sa break up nila ni Barbie
HANGGANG sa ngayon ay tahimik pa rin ang Kapuso actor na si Jak Roberto sa hiwalayan nila ng kanyang girlfiend of seven years, ang Kapuso star na si Barbie Imperial na siyang unang nag-announce sa kanilang break-up on January 2 sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.
Ang break-up nina Barbie at Jak ang magsisilbing unang celebrity break-up ngayong taong 2025.
Samantala, gaano kaya katotoo ang balitang hiwalay na rin umano ang Kapuso actor na si David Licauco sa kanyang non-showbiz girlfriend? Si David ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Barbie at Jak.
Nagkataon lang kaya ito?
Ayaw ding mag-comment ni David sa hiwalayang Barbie at Jak.
Sina Barbie at David ay nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa hit TV series na “Maria Clara at Ibarra” na sinundan ng “Maging Sino Ka Man” at “Pulang Araw”. Nagtambal din ang dalawa sa pelikulang “That Kind of Love” na ipinalabas nung isang taon.
Xxxxxxxxx
ENGAGED na ang second child ng dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada na si Moira Estrada sa non-showbiz boyfriend nitong si Alfonso Miguel na nangyari mismo nung midnight ng January 1, 2025.
Sina Janice at John ay may apat na anak . Bukod kay Moira, nariyan sina Inah, Kaila at Yuan.
Ang panganay na anak ni Janice (sa actor na si Aga Muhlach) na si Luigi ay matagal nang may asawa at meron nang apat na anak kaya maagang naging grandparents sina Janice at Aga.
Sa mga anak nina Janice at John , sina Inah at Kaila ang sumunod sa yapak ng kanilang parents sa showbiz.
Mga kuwento nina Julius and Tintin sa kanilang dinner treat
WE had a belated New Year’s dinner treat with celebrity couple Julius and Tintin Babao at A Mano’s Italian resto in Shangri-La Plaza the other night kung saan namin kasama ang daughter kong si Aila Marie at husband niyang si John Cristobal. Hindi nakasama ng mag-asawang Julius and Tintin ang dalawa nilang anak.
Masayang ibinalita sa amin ng mag-asawa na magtu-twenty na ang kanilang pangangay na si Toni at meron na itong boyfriend na isang Irish-American at isa ring estudyante sa Amerika at kapareho rin ni Toni na cosplayer.
Toni’s boyfriend arrived in the Philippines in time for Christmas and New Year’s celebration at nakasama pa ng mag-anak sa kanilang Tokyo vacation.
Puring-puri nina Julius at Tintin ang nobyo ni Toni dahil mabait umano ito at respectful at nakikita nila kung gaano nito kamahal ang kanilang panganay na anak. Pinayuhan din ng mag-asawa ang dalawa na huwag magmadali at tapusin muna nila ang kanilang pag-aaral.
Bukod kanyang pag-aaral at pagiging cosplayer ay may sarili na ring negosyo si Toni bagay na ikinatutuwa nina Julius at Tintin.
Ang pangalawa at bunsong anak ng mag-asawang Julius at Tintin na si Nio (Antonio) ay pursigido ring magtapos ng kanyang pag-aaral.
Bukod sa “Frontline News” ng TV5, may sarili ring program sa Kapatid network ang mag-asawa at pareho rin silang successful vloggers at may hiwalay pang programa si Tintin.
Sa darating na December 8, 2025 ay ise-celebrate ng mag-asawang Julius at Tintin ang kanilang 22nd anniversary bilang mang-asawa. Ang couple ay ikinasal nung December 8, 2003 sa San Antonio de Padua Sub-Parish Church in Antipolo City.
Samantala, naikuwento sa amin ng mag-asawa na naisugod sa pagamutan in Tokyo, Japan ang ina ni Julius na si Mommy Cena na nag-deliryo habang sila’y nagbabakasyon for the holidays. Pero hindi umano ito na-confine at pinalabas din agad ng mga Japanese doctors.
Sobrang natakot sina Julius at Tintin dahil kung anu’t anuman ang mangyari ay wala sila sa Pilipinas dahil kakaiba ang naging lagay ni Mommy Cena who was brought to the hospital by an ambulance.
Si Mommy Cena ay madalas kasama sa biyahe nina Julius at Tintin with their kids. Pero sa susunod ay baka hindi na nila ito isama dahil ayaw na nilang maulit ang insidente sa Japan.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “Inside SHOWBIZ, atbp. with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.