Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Calendar
Provincial
Babae nakatawag pa sa amo bago tinepok ng magnanakaw
Gil Aman
Aug 12, 2025
280
Views
PATAY ang babae na sinaksak ng magnanakaw sa tindahan ng gadgets sa SMSP sa Block 130, Lot 26, Phase 26, Phase 2, Mabuhay City, Brgy. Mamatid, Cabuyao City, noong Lunes.
Naganap ang insidente bandang alas-9:40 ng umaga, ayon sa report.
Kinilala ang biktima na si alyas Jona na namatay sa Global Medical Center dahil sa tatlong saksak sa leeg at itaas na balikat.
Ayon sa imbestigasyon, dumating ang biktima sa tindahan ng gadgets na nadatnan na magulo at nawawala ang ibang paninda.
Tumawag sa may-ari ang biktima pero ilang saglit lang nawala sa linya ng cellphone ang biktima at nanahimik.
Ilang sandali pa nadatnan ang biktima na nakahandusay sa loob ng tindahan.
Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Mahigit P2.5M shabu nakumpiska sa drug suspek
Apr 19, 2026
Bihirang Palawan Leopard Cat ibinalik sa gubat
Apr 19, 2026
Gold scammer nakatangay ng P3.3M
Apr 18, 2026
