Barrier Sinisiyasat ng mga rumespondeng ambulansya ang nakahandusay na bebot na rider na naaksidente nang tumama sa kanyang motor ang barrier na nasagi ng truck sa Manila noong Martes.

Babaeng rider patay nang hampasin ng plastic barrier

Jon-jon Reyes Sep 10, 2024
40 Views

DEAD-on-the-spot ang babaeng rider makaraang masagi ng trailer truck ang plastic barrier at humampas sa motor ng biktima kaya sumemplang sa Quirino Avenue sa corner ng Anakbayan St., Paco, Manila noong Martes.

Sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales Jr., hepe ng Vehicular Investigation Traffic Section (VITS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) sabay na dumadaan sa naturang kalsada bandang alas-3:07 ng madaling araw ang rider at truck nang maganap ang insidente.

Nasa unang lane ang truck na dina-drive ni Luarez Archie Garciano at nasa 2nd lane naman ang biktimang si alyas Gianna na naka-Yamaha Mio.

Biglang nasagi ang plastic barrier ng truck at humampas ito sa motorsiklo na nagresulta sa pagkaka aksidente ng biktima at pagkabagok ng ulo sa semento na nag ugat ng kanyang kamatayan.

Wala ng pulso ang biktima na nakahandusay pa sa lugar nang dumating ang rescue team.

Nahaharap sa kasong Homicide at Damage to Property ang driver ng truck.