BI Photo Bureau Immigration

Bagong Bi forensic lab sa CIA mapapalakas pagbantay sa mga border

Jun I Legaspi Dec 1, 2024
63 Views

PINASINAYAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong forensic document laboratory sa Clark International Airport (CIA) noong November 27.

Bahagi ang facility ng Anti-Fraud Section (AFS) ng BI na ang pangunahing mandato matukoy ang mga kahina-hinalang dokumento kasabay ng pagpapalakas ng border security.

Pinangunahan ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang ribbon-cutting ng event kasama sina Lipad Corp. CEO and President Noel Mananquil, Clark International Corporation CEO at President Joseph Alcazar, Clark Development Corp. CEO at President Agnes VST Devanadera, Australian Embassy Counsellor at Chief Migration Officer William Rivera at First Secretary at Principal Migration Officer for Integrity Jennifer Bryant.

Ang laboratoryo may advanced tools tulad ng Video Spectral Comparator, IOM Verifier at forensic document microscopes na nakadisenyo para palakasin ang kakayahan ng BI na ma-detect ang mga counterfeit documents.

Ibinida ni Viado ang kahalagahan ng laboratoryo, kasabay ng pagsuri sa pinagmulan ng Anti-Fraud Section sa 2004 partnership sa Australian government na naglalayong masawata ang illegal migration, human trafficking at terrorism.

“This laboratory marks a milestone in our efforts to secure our borders. With these cutting-edge tools, we are ensuring that no fraudulent document goes undetected.

Our expansion demonstrates the bureau’s commitment to protecting the integrity of our immigration processes,” giit ng opisyal.

Inilatag din ng BI ang mga plano upang palakasin pa ang kakayahan ng BI sa pagsawata sa mga immigration security violations.