Group

Bagong Girl Group, Calista, Umarangkada

624 Views

GroupGroupIPINAKILALA ngayong March 8,2022 sa media ang Calista, isang grupo ng dalagitang may talento sa pagsayaw at pagkanta na yayanig sa International scene. Isinabay ang launch ng grupo sa International Women’s Day, bilang pagpugay sa kakayahan ng mga kababaihan.

Mula sa isang daang dalagita, sinala ang mga gustong sumali hanggang sa anim na lang ang natira. Sina Olive, Laiza, Anne, Denise, Elle, at Dain ang napili upang bumuo ng grupong Calista.

Sa media launch, kinanta at sinayawan ng grupo ang kanilang unang kanta, “Race Car,” na isinulat ng batikang composer na si Marcus Davis.

Sumayaw kasabay ng grupo ang sikat na mananayaw na si Niana Guerrero. “Ang taas ng energy nila,” sabi ni Niana.

Sumayaw din at kumanta si Billy Crawford na sinabayan din ng Calista. Sabi ni Billy na isang karangalan at pribilehiyo ang maka sabay niya sa entablado ang Calista.

Nang ipinalabas ang music video ng kanta ng Calista, nasabi ni Billy Crawford na pang International ang kalidad ng video.

Ipinaliwanag ng grupo na ang Calista ay Greek word for most beautiful.

Maganda ang naging balitaktakan sa question and answer portion kasama ng media. Kinuwento ng grupo na marami silang training na pinag daanan upang maging hanap na girl group. Umani naman ng papuri ang talent manager ng grupo, and Tyronne Escalante Artist Management (TEAM), at ang producer ng media launch, ang Merlion Events Production Inc., dahil nagmistulang concert ang media launch.

Inanunsiyo sa media launch ang napipintong concert ng Calista na tinaguriang “Vax to Normal”. Gaganapin ang concert sa April 26, 2022 sa Smart Araneta Coliseum.