Bagong kalihim ng Senado inihalal

23 Views

INAYOS ng Senado noong Lunes ang internal organization kasabay ng paghalal sa bagong secretary ng Senado na si Jose Luis Garcia Montales.

Isinagawa ang reorganisasyon sa ilalim ni Senate President Alan Peter Cayetano habang naghahanda ang kapulungan na lumipat mula sa regular legislative business tungo sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Bago talakayin ang impeachment matter, kinilala ng mga senador ang serbisyo ng nagbitiw na Senate Secretary na si Mark Llandro Mendoza.

Binanggit ng isang senador ang mga sakripisyo ni Mendoza at ang kanyang kahandaang “walk the extra mile” upang mapanatili ang dignidad ng Senado.

Matapos ang relinquishment ng posisyon, kumilos ang kapulungan upang maghalal ng bagong secretary of the Senate.

Ininomina si Montales sa ilalim ng Rule 2, Section 2 ng Rules of the Senate. Dahil walang ibang nominasyon at walang pagtutol, bumoto ang kapulungan sa pamamagitan ng ayes at idineklara siyang nahalal at naiproklama bilang bagong secretary of the Senate.

Isang maikling suspension ang inihain upang payagan si Montales na umupo sa puwesto. Kalaunan ay nanumpa siya sa tungkulin, kabilang ang panunumpa na suportahan ang Constitution of the Philippines.

Hindi na binasa ng Senado ang Journal ng 16th session noong Mayo 13 at dumiretso sa reference of business.

Tinalakay din ng kapulungan ang committee membership at bloc alignments, kabilang ang status ng mga miyembro sa ilalim ng majority, minority o independent blocs.

Sa session, nagmanifest si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri na nais niyang iugnay ang sarili sa minority.

Samantala, nagpasalamat si Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito kay Cayetano sa tiwala at sa alok na may kaugnayan sa majority leadership ngunit sinabi niyang mas nais niyang panatilihin ang kanyang pagiging independent.

Sinabi ng presiding officer na igagalang ng Senado ang desisyon ng bawat miyembro kung sasama sa majority, iaalign ang sarili sa minority o mananatiling independent.

Tinalakay din ng kapulungan ang proportional representation sa mga komite, partikular sa Committee on Rules, na may mahalagang papel sa pagtatakda ng mga pamamaraan sa mahahalagang proceedings sa Senado.

Sinabi ng presiding officer na in-adopt ng Secretariat ang 13-11 proportion para sa committee membership upang hindi maakusahan ang kapulungan ng pagpapabagal sa proceedings.

Hiniling ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na mailagay sa record na kailangang i-update ang membership ng Senate Committee on Rules o ang official members nito.