Sol Aragones

Bagong Laguna gov handa na sumabak sa trabaho

Gil Aman May 31, 2025
25 Views

HINDI pa nauupo bilang gobernadora, nag-umpisa na si Sol Aragones makakalap ng tulong mula sa mga investors para magbigay ng trabaho bukod sa pangangailangang pangkalusugan ng mamamayan ng Laguna.

Dahil dito, matutugunan na ang hangarin ng opisyal na makapaghatid ng serbisyo sa tao.

Kumunsulta rin sa mga eksperto si Aragones hinggil sa kalusugan, ospital, edukasyon, livelihood, turismo, agrikultura at economic development.

Isa sa unang pinuntahan ni Gov. Sol Aragones si Manny Pangilinan na umano’y magkakaloob ng solar lights at iba pa.

Ayon kay Aragones, lumapit siya sa mga private sectors dahil hindi sapat ang pondo ng probinsiya para sa napakaraming pangangailangan ng kanyang mga kababayan.

May mga project na ang Aboitiz group sa health, livelihood at edukasyon na bahagi ng kanilang corporate social responsibility na pwedeng itulong sa mamamayan, ayon sa opisyal.