Calendar
Bagong Manila treasurer nanumpa kay Mayor Isko
NANUMPA noong Lunes kay Manila Mayor Isko Moreno si Atty. Paul Vega bilang city treasurer na sinasabing pinakabatang naluklok sa nasabing pwesto.
Itinalaga ni dating Finance Secretary Raph Recto si Vega batay sa umiiral na pamamaraan sa pag appoint sa mga local treasurers bago naging Executive Secretary.
Nagpasalamat si Atty. Vega kay Mayor Moreno sa tiwalang ibinigay sa kanya.
“I also extend my appreciation to the former Secretary of the Department of Finance, now Executive Secretary, Ralph Recto, for my appointment, as well as to the Bureau of Local Government Finance (BLGF),” dagdag pa niya.
Tiniyak niya na nakatuon ang kanyang panunungkulan sa disiplina, transparency, at makabagong pamamaraan na nagpapalakas ng koleksyon at pagpapabuti sa proseso ng pananalapi sa City Hall.
Itutuon din aniya niya ang trabaho sa masinop na pamamahala sa pananalapi at pagbibigay prayoridad sa programang MBN (Minimum Basic Needs) ni Mayor Isko Moreno.

