Isko

Yorme Isko tinupad pangako, bagong emergency room ng Ospital ng Sampaloc binuksan

Edd Reyes Dec 22, 2025
218 Views

INI-NAUGURATE nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Chi Atienza noong Lunes ang bagong emergency room ng Ospital ng Sampaloc.

“I told you 90 days. I committed it to the people of Sampaloc,” sabi ni Mayor Isko.

Ang proyekto, ayon sa alkalde, ay sumasalamin sa kanyang Bilis-Kilos-style of governance para sa serbisyong pangkalusugan sa mga Manileños.

“Saan ka nakakita ng emergency room, check, merong falls (dahil may tulo). Literal. Naawa nga ako dun sa isang binatilyo, hindi niya maiwan yung nanay niya sa tabi mismo ng hospital bed, may tabo. And we are the capital of the country, we are the City of Manila,” pahayag pa ng alkalde.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na noong araw ay nakakatakot pumasok sa public hospital dahil madilim at sa paningin ng pasyente ay lalong dumidilim ang buhay niya pero ngayon pagpasok pa lang sa emergency room ng Ospital ng Sampaloc nabubuhayan na agad ng loob ang mga pasyente.

Makikita sa pasilidad ngayon ang treatment areas, nurse stations, minor operating rooms, modernong mga kama, may nakalagay ng oxygen system, pharmacy window at restrooms.