Calendar
Bagyong ‘Francisco’ lumakas sa loob ng PAR
Ganap nang naging bagyo si Francisco, na may international name na Mekkhala, matapos itong lumakas habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa PAGASA.
Sa pinakahuling ulat ng weather bureau, taglay na ng bagyo ang mas malalakas na hangin at pagbugso habang kumikilos sa karagatan sa silangan ng bansa.
Bagama’t hindi pa inaasahang direktang tatama sa kalupaan, posibleng palakasin ni Francisco ang habagat na magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas sa mga susunod na araw.
Patuloy namang mino-monitor ng PAGASA ang galaw at lakas ng bagyo dahil maaari pa itong lumakas habang nasa dagat.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga lugar na madalas bahain at makaranas ng pagguho ng lupa na manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad upang maiwasan ang pinsala at sakuna dulot ng masamang panahon.

