US1

Baha nakaamba sa northeast US; mga Pinoy binalaan

101 Views

US

NEW YORK–Nagbabala ang Konsulado Heneral ng Pilipinas sa New York sa mga Filipino sa hilagang-silangang Amerika at mga karatig lugar dahil sa inaasahang hagupit ng masamang panahon.

Nagpalabas ang New York City ng travel advisory noong Biyernes tungkol sa masamang panahon. Ayon sa National Weather Service, asahan ang rumaragasang ulan, malakas na hangin at baha sa baybayin.

Posibleng magpatumba ng mga puno at sumira ng linya ng kuryente ang malalakas na hangin.

Binalaan ang publiko na iwasang maglakad o magmaneho sa mga binahang kalsada at maglaan din ng dagdag na oras sa paglalakbay.

Ang mga nakatira sa basement o ground floor apartments ay pinag-iingat at dapat nang lumikas sa mas mataas na palapag kung lumala ang sitwasyon.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng lokal na pamahalaan at ng National Weather Service,

Para sa mga emergency, makipag-ugnayan agad sa mga lokal na awtoridad o sa konsulado ng Pilipinas.