Seaferers

Balik-Pinas 5 Pinoy seafarers ng nasirang barko

Jun I Legaspi Sep 29, 2026
134 Views

Seaferers1DUMATING sa Maynila noong Setyembre 27 ang limang seafarers ng bulk carrier na M/V Cape Dao sa Ninoy Aquino International Airport terminal 3.

Isinagawa ang pagpapauwi sa mga tripulante matapos masira ang barko nila habang naglalayag sa Strait of Hormuz (SOH) noong Setyembre 23.

Sinalubong ng mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW), sa pangunguna ni OIC-Assistant Secretary for Sea-based OFW Concerns Augusto San Diego III, ang mga repatriated seafarers.

“Nalulugod kaming kayo ay salubungin sa inyong ligtas at matiwasay na pagdating matapos ang insidenteng inyong kinasangkutan,” wika ni OIC-Assistant Secretary San Diego.

Sinalubong din sa paliparan ng mga kinatawan ng Sea Workforce Manila Corp., ang deploying manning agency ng mga seafarer, ang mga dumating na tripulante upang magbigay ng karagdagang tulong.

Inatasan din ng DMW at OWWA ang manning agency na tiyaking sumailalim ang mga seafarer sa kinakailangang pagsusuri, gayundin sa mga debriefing session, kung kinakailangan.

Ipinaalala rin sa manning agency na tiyaking maibibigay sa mga tripulante ang lahat ng kaukulang benepisyo at kompensasyon na nararapat sa kanila kaugnay ng kanilang pagpapauwi.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinaalalahanan ng DMW ang mga lisensyadong manning agency at mga accredited principals na subaybayan ang kalagayan ng mga Pilipinong seafarer sa lahat ng oras.