Bangkay

Bangkay ng retiradong pulis nakita sa damuhan sa Tanauan

4 Views

NAKITA ang bangkay ng isang retiradong pulis na nakabulagta Lunes sa damuhan sa Sitio Hipit, Brgy. Janopol Oriental, Tanauan City, Batangas.

Ang biktima ay 48 taong gulang at may asawa.

Bandang alas-9:30 p.m. nang tumawag sa Tanauan City Police Station (CPS) ang mga opisyal ng Barangay Janopol Oriental upang i-report ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, naghahanap ng gagamba sa nasabing lugar ang isang nagngangalang Rowen Delos Reyes nang makita niya ang bangkay. Agad niyang inireport ito sa mga kagawad.

Ayon sa mga imbestigador walang nakitang dugo sa katawan ng biktima o malapit sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa pulisya, posibleng sanhi ng kamatayan ng biktima ay asphyxia o paglagay ng plastic bag sa ulo nito

Hiniling na surrin Regional Forensic Unit (RFU) ang bangkay.

Nag-activate na ng tracker team para sa posibleng pagkakakilanlan ng pumaslang sa biktima.