Orbeso

Bangsamoro Agreement tuloy sa ilalim ng Marcos admin

156 Views

PATULOY umanong kikilalanin ng administrasyong Marcos ang Bangsamoro Peace Agreement at target na matapos ang decommissioning ng mga Moro Islamic Liberation Front (MILF) combatant sa 2025.

Ayon kay Office of the Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Director Wendell Orbeso ang Bangsamoro peace process ay kasama sa mga prayoridad ng Marcos administration.

“Unang-unang nagpapasalamat tayo sa ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. for making the Bangsamoro peace process as his priority peace legacy agenda of his administration. I equivocally say that he will not waver in his commitment to implement the peace agreement, the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, which was started by his father before under the Tripoli agreement,” ani Orbeso.

“Ang pangako ni Presidente ay tatapusin niya ang mga commitments sa Bangsamoro Peace Process under his administration,” dagdag pa ni Orbeso.

Ayon kay Orbeso nagpapatuloy ang Phase Three Decommissioning process. Ang decommissioning process ay bahagi normalization sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).

Mula noong Nobyembre 8, 2021 ay 26,145 combatant ng MILF ang nadekomisyon na.

“Ang process ay ito po ang isa sa mga importanteng aspect ng peace agreement sa MILF, kung saan ito ay hudyat ng pagsisimula ng transpormasyon or ang pagbabalik-loob ng mga dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front para sila po ay mag-transition into a peaceful and productive civilian lives,” sabi ni Orbeso.

Target ng OPAPRU na maitaas sa 40,000 combanant ang madekomisyon bago ang simula ng election period ng 2025 midterm elections, ayon kay Orbeso.

“Itong nangyayaring resumption ng decommissioning ay nagpapakita ng sincerity, yung firm commitment ng national government, ng ating mahal ng Pangulong Bongbong Marcos, at yung jointness ng trust and confidence between the government of the Philippines and Moro Islamic Liberation Front to push forward the implementation of the Bangsamoro Peace Process,” dagdag pa ng opisyal.