barbers

Barbers: PH farming i-modernize

179 Views

HINIHIKAYAT ng isang mambabatas mula sa Mindanao ang pamahalaan na pagkalooban ang mga magsasaka ng mga modernong makinaryang pang-agrikultura, bilang bahagi ng pagsusumikap nito na mapataas pa ang produksiyon ng bigas sa bansa.

Sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang agricultural machinery, o kilala sa tawag na agricultural tech, ay mahalagang sandata para mapaganda pa ang agricultural production.

“It helps farmers to grow more crops in less time and with greater efficiency. It can include anything from tractors and harvesters to animal feed mixers or field-wide weed removers,” aniya.

Binigyang-diin ni Barbers, na nag-a-advocate ngayon ng agricultural modernization, ang agarang pangangailangan sa pag-mechanize ng Philippine agriculture upang makamit ang food sufficiency at security.

“Ang layunin ng Pangulong BBM na food sufficiency sa darating na mga taon ay layunin ko rin, kaya 100-percent akong suportado sa mga programang pang-agrikultura ng ating Chief Executive,” sabi pa ni Barbers.

Nagpahayag rin siya ng kumpiyansa na ang pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ay magkakaloob ng mga modernong farm machinery sa mga magsasaka, sa pamamagitan ng tulong at suporta ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech).

“Aside from traditional tools like rakes and shovels, modern farm machines have multiple functions that make harvesting fields easier,” pahayag pa ni Barbers.

Aniya, ang technological advancements ay magkakaloob sa mga magsasaka ng kapangyarihan upang higit pang mas epektibo at mas episyenteng malinang ang kanilang mga lupa.

“Using suitable agricultural machines can make even a tiny plot of land manageable with unprecedented success,” dagdag pa ni Barbers.

Itinutulak din ni Barbers na gawing moderno ang agricultural production sa bansa, at sinabing ang subsistence farming ay pinalitan ng mekanisasyon upang mapataas ang produktibidad at ani ng pananim.

Sinabi pa niya na maraming magsasaka ang nakakapagprodyus lamang ng sapat na pagkain para sa kanilang sariling pagkain at kanilang pamilya at ang mekanisasyon ang siyang magbibigay-daan sa mga commercial farmers upang makapag-produce ng mas maraming food profit.