Calendar
Baril na laruan naharang ng OTS sa NAIA 1
NAKASABAT ang mga Security Screening Officers (SSOs) ng Office for Transportation Security (OTS) ng toy gun mula sa check in baggage ng isang Japanese national na patungong Koror, Palau noong Linggo, Setyembre 6 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Habang nagsasagawa nage-screening, napansin ni SSO Remylen Rivera, x-ray operator, ang isang imahe na kahawig ng baril sa monitor kaya ipinagbigay-alam kay SSO Kemmuel Arabes, baggage inspector.
Nagsagawa ng manual inspection at natunton ang pasahero at isinagawa ang inspeksiyon kung saan natagpuan ang gun replica lighter.
Ang nasabing item ayisinailalim sa kustodiya ng PNP Aviation Security Group para sa tamang disposisyon.
Nagpaalala si OTS Administrator Usec. Gilberto DC Cruz sa lahat ng pasahero na mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at gun replicas sa paliparan.
“Paalala po sa ating mga pasahero na bawal magdala ng baril at gun replicas sa paliparan ng walang kaukulang dokumento at clearance,” ani Usec. Cruz.

