Calendar
Ex-PNP chief Torre nag-leave sa MMDA
BOUNTARYONG naghain ng isang buwang bakasyon bilang General Manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Nicolas Torre III na epektibo noong Martes.
Sa ipahayag ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, sinabi niya na malaki ang naging kontribusyon sa ahensiya ni GMA Torre na natalaga upang pangasiwaan ang pang-araw-araw na operasyon at ipatupad ang mandato ng pagsasagawa sa mga opisyal na utos, batas, o tungkulin na ibinigay ng may kapangyarihan.
“I have full trust and confidence in GM Torre as far as his work is concerned,” pahayag ni Artes.
Sinabi ni Artes na ipinauubaya ng ahensiya ang pag-iimbestiga kay Torre sa Land Transportation Office (LTO) lalu na’t walang opisyal, kahit ano pa ang posisyon o ranggo, ang exempted sa batas trapiko at polisiyang ipinaiiral sa lansangan.
Una ng nahuli ang pribadong SUV na tumahak sa EDSA busway na may tatak na MMDA, may blinkers at plakang nakatalaga sa ibang behikulo na kalaunan ay natuklasang pag-aari ni Torre.
Nauna ng nagpahayag si Torre ng pagnanais na magbitiw na sa tungkulin at magretiro na sa serbisyo publiko subalit pinayuhan siya ni Artes na pag-isipan munang mabuti ang gagawing pagpapasiya.

