Calendar

BARKADA inilunsad sa Cavite City; 1.5K na basura nahakot
CAVITE CITY–Nagkaroon ng clean up drive ang siyudad na ito katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na may temang BARangay at KAlinisan DAy (BARKADA) noong Sabado.
Mahigit 800 volunteers mula sa iba’t-ibang organizations at institutions sa lungsod ang nagtulong-tulong sa proyekto.
Mahigit 1,535.35 kilos ng basura ang nalikom sa unang dalawang oras pa lamang ng gawain sa Brgy. 57.
“Ipagpatuloy po natin itong ating gawain na maging malinis sa ating kapaligiran at sa ikagaganda ng ating lungsod katuwang po ang ating City Environment and Natural Resources Office (CENRO),” sabi ng siyudad sa statement.
Pinangunahan ni Mayor Denver Chua ang pirmahan kasama ang mga volunteers sa commitment wall bilang panata na magiging bahagi sila ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lungsod.