Pic1

BARMM polls security meet dinaluhan ng PNP chief

Alfred Dalizon Feb 25, 2025
14 Views

PINANGUNAHAN noong Lunes ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Francisco D. Marbil ang pulong ng mga security forces at political leaders sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang tiyakin ang maayos na eleksyon sa Mayo 12 sa rehiyon.

Tinalakay sa meeting ang mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan sa nalalapit na national at local elections at ang BARMM parliamentary elections.

Isang pagpupulong din ang idinaos kasama ang mga political leaders ng BARMM upang pag-usapan ang mga mahalagang papel sa pagpapanatili ng mapayapang halalan.

“Mahalaga ang integridad ng ating eleksyon dahil ito ang sumasalamin sa lakas ng ating demokrasya,” ani ni Gen. Marbil.

Binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng seguridad sa halalan, lalo na sa mga lugar tulad ng BARMM na may naiuulat na election-related violence.

Kaya mas pinaigting ng PNP ang kanilang mga hakbang laban sa mga private armed groups, pagpapatupad ng gun ban, at pagpigil sa vote-buying at pananakot.

Sa kanyang mensahe sa mga political leaders ng BARMM, hinimok ni Gen Marbil ang pakikiisa upang mapanatili ang kapayapaan.

Magtutulungan ang PNP, Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard upang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang eleksyon sa BARMM.