Barzaga

Barzaga nagpa-abot ng mainit na pagbati kay PBBM dahil sa mataas na “trust rating”.

Mar Rodriguez Apr 21, 2023
186 Views

IPINAABOT ng isang Southern Tagalog congressman ang kaniyang marubdob at mainit na pagbati para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. matapos makakuha ng mataas na “trust rating” ang Chief Executive alinsunod sa survey na ginawa ng Octa Research.

Sinabi ni Cavite 4th Dist. Congressman Elpidio “Pidi” F. Barzaga na sunod-sunod ang mga lumalabas na survey katulad ng satisfaction, approval at trust ratings na pawang nagpapakita ng mataas na kumpiyansa ng mamamayang Pilipino para sa administrasyong Marcos, Jr.

Binigyang diin ni Barzaga na kaakibat ng magandang performance ng administrasyong Marcos, Jr. ay ang mahusay na performance naman ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga significant na panukala o House Bills.

“Survey after survey. We see high trust ratings for President Marcos, Jr. and key officials of the government including our dear House Speaker Martin G. Romualdez. Be it satisfaction, approval or trust ratings, the Marcos administration consistently earns hig marks,” ayon kay Barzaga.

Batay sa pinakahuling survey na ginawa ng Tugon ng Masa (TNM) Q1 2023 Survey ng Octa Research nagtamo o nakakuha ng 83% trust rating si President Marcos, Jr. habang sina Vice-President Sara Duterte (87%), Senate President Juan Miguel “Migs” Zubiri (50%) at Supreme Court (SC) Justice Alexander Gesmundo (39%) ay nakakuha din ng mataas na rating.

Si Speaker Martin G. Romualdez naman ay nakakuha ng 55% trust rating. Kung saan, ito ang pinaka-malaking increase sa ratings na ginawa ng TNM noong nakaraang October 22, 2022 sa kanilang survey na nagpapakita na tumaas ng 17% ang nakuhang trust rating ng House Speaker.

“Speaker Romualdez’s high trust ratings are genuine reflection of the hard work of the House of Representatives and its members. This will certainly inspire us to do more strive better and work hard to serve the Filipino people,” sabi pa ni Barzaga.

Sinabi naman ni House Senior Deputy Speaker at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang mataas na approval rating na nakuha ni Speaker Romualdez ay isang positibong indikasyon na unti-unti ng nagtitiwala ang publiko sa kasalukuyang liderato ng Kongreso.

Ayon kay Macapagal-Arroyo (Pampanga 2nd Dist. Rep.), ang mataas na rating na nakuha ng House Speaker ay isang pagpapakita din na kinikilala at na-appreciate na ng mamamayang Pilipino ang mga accomplishments ng 19th Congress sa pagpasa nito ng mga makabuluhang panukalang batas.

Ipinaliwanag din ng dating Pangulo na hindi na rin kataka-kataka kung makakuha ng mataas na survey rating si Speaker Romualdez sapagkat makikita naman sa accomplishments ng 19th Congress ang pagsisikap nilang mga miyembro nito na gampanan ang kanilang tungkulin.