Sasakyan iparehistro agad — LTO
Apr 2, 2025
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
Calendar

Metro
Basag Kotse suspek na tumangay ng P60K gamit nahuli sa QC
Melnie Ragasa Jimena
Aug 15, 2024
150
Views
ARESTADO ang isang hinihinalang miyembro ng “Basag Kotse” Gang matapos umanong basagin ang bintana ng nakaparadang kotse at tangayin ang P60,000 halaga ng mga gamit sa Quezon City noong Miyerkules.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., dinakil ang suspek na si Sonny Caro, 36, matapos makunan sa CCTV na binabasag ang kaliwang bintana ng Toyota Fortuner na nakaparada sa F. Carlos St. sa Brgy. Bahay Toro, bandang alas-8:40 ng gabi,
Natangay ng suspek ang P33,000 cash gayundin ang mga sapatos, cell phone at sunglasses na nagkakahalaga ng P27,000.
Inihahanda na ng kasong theft laban sa suspek.
Workshop para sa mga photographers sinimulan na
Apr 2, 2025
QCPD director na-promote
Apr 2, 2025
Tsuper binaril ng malapitan sa mukha, todas
Apr 2, 2025